CHAPTER 17

2.8K 82 1
                                    

CHAPTER 17

SINABIHAN na lamang niya si Mang Damian na magkita sila sa harapan ng Market, Market sa halip na sa St. Luke’s. At tulad ng oridnaryong araw ng kanyang pagtatrabaho ay ang mga nakatambak na files pa rin ang ine-encode ni April sa opisina. Kapansin-pansin na wala roon si Donna. Nag-absent daw ito sabi ng kasama nitong sekretarya na si Violet. Si Hans naman ay maghapong wala roon at may meeting daw sa Cebu kasama ang board.

Nang matapos si April sa kanyang trabaho ay tinawag niya si Mang Damian. Gaya ng dati ay nauunahan niya ang driver sa pagbukas ng pinto ng kotse. Napakamot na naman ito ng ulo.

“Mang Damian, sana po ‘wag niyo na akong pagbuksan pa ng pinto. Ilang beses ko na pong sinabi sa inyo. Hindi ako sanay at kaya ko naman po,” malumanay niyang sinabi.

“Eh… Ma’am…,” napangiti si Damian na kasalukuyan niyang nakikita sa rear view mirror ng kotse, “kasi po ‘yon po ang bilin sa akin ng mga Sandejas. Ganyan po ang training sa amin noon pa man. Nasanay na rin po ako. At isa pa po, binilin po ni Sir na lagi ko kayong pagsilbihan.”

“Sir? Sinong Sir?”

“Si Sir Hans po.”

Ilang saglit na hindi nakapagsalita si April. Hindi dahil sa hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman kundi dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Dahil sa mga sandaling iyon ay may naramdaman siyang haplos sa kanyang puso para sa binata.

Mula sa Ayala Avenue na kinaroroonan ng Peak Industries building ay dumaan sila sa Greenbelt patungo sa mansyon sa Forbes Park. Sa Pasay Road ay nakita niya ang kotseng sinakyan ng babaeng ‘kamukha’ ng kanyang Tiya Fiona. Bumaba ang kotse patungo sa parking area. Pero nakalampas na sila kaya hindi niya nakuhang bumaba roon.

“Mang Damian, ibaba niyo po ako. Sandali lang!” dagling nasabi ni April pagkakita sa kotse.

Dahil bawal na  basta-basta bumaba ang sasakyan sa kalsada, sa parteng iyon ng Greenbelt ay itinabi ni Damian sa isang di-kalayuan ang kotse kung saan puwede siyang bumaba. Kahit hindi na niya nahabol ang ‘kamukhang’ babae ng kanyang Tiya Fiona, minabuti pa rin niyang bumaba roon upang magbakasakali—baka mahabol niya ang nasabing ‘babae’.

Nagpatuloy sa paglakad si April patungo sa Greenbelt 4 kung saan naroon ang mga luxury brands gaya ng Louise Vuiton, Prada, Emporio Armani, at kung ano-ano pa. Naalala niyang bigla ang kanyang Tiya Fiona dahil mahilig ito sa designer brands. Naisipan niyang magtungo sa second floor ng mall at nang makita niya ang Power Books ay natuwa siya dahil mahilig siya sa mga libro. Nag-browse siya ng mga iilang libro roon sa paborito niyang author na si Nicholas Sparks. Kalahating oras din siya sa nasabing bookstrore, natigilan lamang nang mapalapit sa kanya ang saleslady na sinimulang ayusin ang mga libro na kung saan siya nakapuwesto at nagba-browse. Naisip niyang kunin at bilhin ang bagong libro ni Nicholas Sparks dahil nahiya siya sa saleslady.

“Miss sa ibaba ang cashier namin,” pahabol na sabi ng saleslady sa kanya.

“Thak you.”

Sinunod niya ang saleslady at bumaba siya upang bayaran ang libro.

Nang binabayaran na niya ang libro ay nakita niyang palabas ang isang pamilyar na lalaki sa kanya. Tiningnan niya itong mabuti nang mapabaling muli ito sa loob ng bookrtore. Ang lalaki ay si Dr. Andrew Velasco—ang doktor ng kanyang Tiya Fiona. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin dahil sa kagustuhang habulin ang doktor ay baka hindi na niya magawa pa dahil may dalawa pang nakapila sa kanyang harapan.

“Miss, can I just get this later?” sabi niya sa assistant ng cashier na ang tinutukoy ay ang dalang libro. “Sandali lang.”

Tumango ang assistant na nasa counter at lumabas siya ng bookstore. Pero dahil sa kapal ng tao ay hindi niya nakita si Dr. Andrew Velasco. Minabuti niyang bumalik na lamang ng bookstore upang bayaran ang libro—napasapo sa noo, napailing at napahinga ng malalim sa panghihinayang.

Nang mabayaran niya ang libro ay naisipan  niyang lumabas ng bookstore at nagpasyang umuwi na lamang dahil tiyak ay baka tumawag na naman sa kanya si Don Patricio.

Sa kanyang pagbaba habang nasa escalator ay minabuti niyang tawagan si Damian upang sunduin na siya sa tagiliran ng building na kinaroronan niya. Dahil napansin niyang traffic at matatagalan pa ang matanda ay minabuti niyang pumasok sa pasilyo ng kinalalagyan ng mga boutiques ng mga designer brands. Nagulat siya sa kanyang pagpasok nang makita ang lumalabas na ‘babae’ ‘kasama si Dr. Andrew Velasco na nasa likuran nito. Tiningnan niyang mabuti ang ‘babae’.  Napakunot-noo siya dahil hindi siya sigurado kung ang Tiya Fiona nga niya ito dahil makapal ang buhok nito at batang-bata ang mukha at kabuuan.

“Tita? Tita Fiona?” Hindi niya mapigilan ang sarili.

Napatingin ang nagulat na ‘babae’ sa kanya.

“April…?”

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon