Chapter 21: Maybe this time

10.3K 106 50
                                    

Sarah’s POV

Hindi ko malaman ang gagawin ko, nanghihina nang sobra yung tuhod ko.

Ang dilim ng mukha ni Daddy habang nakatingin siya sa akin ngayon.

Maya-maya pa ay nakita kong papunta sa direksyon namin si Mommy.

Nakita rin ba ni Mommy, lahat?

Parang tinakasan na ng kulay ang mukha ko.

Ngayon lang ako natakot sa magulang ko nang ganito katindi.

Mommy D: Daddy, akala ko may sasabihin ka lang dun sa guard, antagal mong bumalik...

(Napatingin ito kay Matt)

Anong nangyari? (gulat na tanong nito).

 

Daddy D: Papasukin mo na yang anak mo at pauwiin mo na muna yang tarantadong yan.

Mommy D: Ano ba kasing nangyari? Bakit hindi niyo pag-usapan sa loob at dito pa kayo nagkagulo sa labas? Nakakahiya sa mga kapitbahay...

Daddy D: Tanungin mo yang dalawang yan... kung may hiya ba yang mga yan sa kapit-bahay, sa mga pinag-gagagawa nila! (Napahawak ito sa dibdib sa sobrang galit).

 

Ito ang nakakatakot kay Daddy, hindi kasi talaga ito nagsasabi ng masama sa katawan niya.

Hindi rin siya sumasama sa regular check-up naming magpapamilya.

Malakas pa daw siya kaya hindi niya pa raw yun kailangan.

Mommy D: Daddy...

Daddy D: Ok lang ako... pauwiin niyo na yan. (sabi nito bago tuluyang pumasok sa loob).

 

A peek on their real life (looking through their eyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon