#Chapter 5 - One Last Cry

1.9K 31 5
                                    

*Karen’s P.O.V.*

 

Andito kami sa condo ni Ralph. Actually ako talaga kasi ang promotor ng salo salo na to. Hahaha. Wala lang. Feel ko lang. Feel ko lang magpaalam sa kanila.

 

 

“Bawal nga kasi yan sayo. “ Saway sakin ni Aries. Kanina pa yan sa totoo lang.

 

 

“Yaan mo na. Ngayon nga lang ako  kakain nito eh. “  Pakiusap ko sa kanya.

 

 

“No. Ang bawal ay bawal. “ Sabi niya ulit. Tsk tsk.

 

 

“Essie, dalhan mo naman ng pagkain si Ralph. Masama daw pakiramdam niya eh. “ Sabi ni Glenda.  Sinunod naman siya ni Essie.

 

 

Nung nakita niyang pumasok na sa loob si Essie at tapos ng kumain si Kiel nagsalita siya.

 

 

“Kiel, would you mind kung pauwiin na kita? May kailangan kasi kaming pagusapan. Ok lang ba? “ Sabi ni Glenda ng nakatingin lang sakin.

 

 

Nakaka-kaba yung mga tingin na yun. Yung mga tingin na nagsasabing ‘hanggang kelan mo itatago samin?’

 

 

“Sure. Pasabi na lang kay Essie umalis na ko. “ Tapos umalis na siya. 

 

 

Nung marinig kong nagsara yung pinto. Tumayo ako agad. Dumiretso ako sa sala. Sinundan naman nila ako. Ito yung pinaka aayaw ko. Sana hindi nila to sabihin kay Essie.

 

 

“So ano? Magtititigan na lang tayo dito? “ Medyo naiiritang sabi ni Glenda

 

“Ano ba kasi yung gustong mong malaman? “ Tanong ko sa kanya.

 

 

“Pwede bang paki explain nito. “ tapos may inilabas siyang envelope sa bag niya. Agad ko naman yung kinuha at binuksan.

 

 

“P-paano mo-? San mo nakuha tong mga to? “ pictures and documents ang laman nung envelope. Andun yung file about sa  sakit ko.

 

 

“M-may sakit ka? “ Naluluha na si Indira. Napatungo lang ako bilang sagot sa kanya. Pagtunghay ko binabasa na niya yung documents.

 

 

“Kuya alam mo tong lahat di ba? Bakit hindi mo sinabi samin? Bakit? “ Galit na sigaw ni Indira. Buti na lang andun si Mirko para hawakan siya. Nanghihina na yung tuhod ko, ang hirap tumayo kapag nakikita silang umiiyak. Buti na lang asa tabi ko si Aries, agad niya kong inalalayan.

 

 

“I’ll be ok. Pumapayag na kong magpaopera. Kaya aalis kami. “paliwanag ko sa kanila habang umiiyak.

Hey, Mr. Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon