#Chapter 3

2.1K 30 7
                                    

*Karen’s P.O.V.*

Kakagaling ko lang sa hospital. Tsk. Kung hindi lang talaga ako tinakot ni James na sasabihin niya kina Essie ang condition ko, baka hindi na talaga ako pumunta dun. Tsk.

Andito ako sa park. Hinihintay sina Aries. Nagyaya kasi si Rieka. Gusto niya daw pumunta sa park. Yun nga lang check-up ko ngayon  kaya nagpaalam muna ako sa kanila. Sabi ko may pupuntahan lang ako.

Masaya kong pinapanood yung mga batang naglalaro dito sa park. Bigla namang may tumabi sakin. Napatingin tuloy ako sa kanya.

“Mag-isa ka lang yata  ngayon? Akala ko ba may lakad kayo ni Aries. Yiieehh. “ Tapos sinusundot niya ko sa may tagiliran. Tsk tsk.

“Ayyiieeh ka jan. Naikwento ko na sayo kung bakit kinakausap ko siya. “ masungit kong saad. Inakbayan naman niya ako tapos biglang bumulong.

“At alam ko den kung bakit mo siya iniiwasan. Haha. Pero mukhang pinaglalaruan ka ng tadhana dahil yung kaibigan mo, sainyo ipinangalan yung anak niya. haha. Anak niya yun pero ikaw yung nakalagay na mother sa birth certificate. Haha. Grabe. Hindi talaga ako makamove on sa part na yun. “ Tawa siya ng tawa. Masamang masama na yung tingin ko sa kanya pero ayun siya tawa pa ren ng tawa. Tsk tsk. Loko talaga. Nakakainis. Dapat siguro hindi ko na ikinwento yung tungkol sa birth certificate ni Rieka. Tsk.

Alam niyo ba ang laman nung envelope na inabot ni manang kay Aries?

Birth certificate ni Rieka. Takte. Alam niyo bang ang nakalagay na pangalan dun sa mother? Pangalan ko. whole name. walang labis walang kulang. Tsk. Tapos sa father’s name? Name ni Aries. Kaya ganun yung pangalan niya. Princess Reika Yap Lim. Tsk. At nung kinwento ko dito kay James. Ayun mauuna pa atang mamatay sakin. Mamamatay kakatawa. Tsk.

“Nakakatanda ang pagsimangot, Karen. Try mong ngumiti. Napakaexciting kaya ng buhay mo. Haha. “ Hawak hawak na nung isang tiyan niya. Tawa pa den ng tawa eh. Ayaw paawat. Tsk. Tapos nakaakbay pa sakin.

Maya maya may humila ng laylayan ng t-shirt ko. Pagtingin ko, asa tabi ko na pala si Rieka. “ Mommy, nakakamatay po ba ang tingin? “ Tanong niya na nakapagpatigil naman sa pagtawa nitong bwisit na to.

“No. Bakit baby? “ Tanong ko sa kanya.

“Si Daddy po kasi gusto atang patayin siya. “ tapos tinuro niya si James. Tapos napatingin ako kay James na may tinitingnan. Si Aries? Nakatingin dito. Masama yung tingin. Anong meron?

“Buti pala hindi nakakamatay ang tingin. Haha. Ayaw ko pang mamatay ng dahil sayo. Haha. “ Puro to tawa. Nababaliw na ata. Tsk. Siguro hindi na ko dapat magpacheck up sa kanya. Dahil siya ren ata may sakit. Dapat siguro sa kanya dinadala na sa mental. Tsk.

Hey, Mr. Doctor!Where stories live. Discover now