#Chapter 4

1.7K 30 3
                                    

*Karen’s P.O.V*

 

 

Pupunta ulit akong hospital ngayon. ‘ULIT’. Tsk. Bwisit kasi si James, may kailangan daw siyang sabihin sakin. Tsk.

 

 

Kaya no choice ako kundi iwan si Rieka kina Rey. May trabaho kasi si Aries ngayon, ayaw ko namang mangabala.

 

 

Pagkadating ko sa ospital, dumiretso ako sa clinic niya. Kumatok muna ako bago pumasok.

 

 

“Oh. Buti naman anjan ka na. “ Masaya niyang bati sakin.

 

 

“Ano ba yung sasabihin mo? “ Hindi na ko nagabala pang umupo. Ayokong magtagal dito.

 

 

“You see, lumalala na yung sakit mo. And- “ Pinutol ko yung sasabihin niya. tsk tsk.

 

 

“Hindi mo na kailangang ulitin. Dahil iisa lang naman ang magiging sagot ko sayo. A-Y-O-K-O. I told you I’m fine. “ – Ako

 

 

“Hindi ka ba natatakot na baka mamaya bigla ka na lang atakihin ng sakit mo? At mangyare ang kinakatakutan mo. Ang malaman nila ang sakit mo. “ – Napaiwas ako ng tingin.

 

 

“Yun lang ba ang sasabihin mo? Aalis na ko. Ayaw kong magpagamot, mamamatay ren naman ako eh. “- Ako

 

 

Lalabas na sana ako ng makita ko siya.

 

 

Sana hindi niya narinig. Dahil pagnagkataon mawawala na lahat ng dahilan para layuan ko siya.

 

 

*Aries P.O.V.*

 

 

Alam kong masamang nakikinig sa usapan ng iba. Pero ano bang magagawa ko?

 

 

“Yun lang ba ang sasabihin mo? Aalis na ko. Ayaw kong magpagamot, mamamatay ren naman ako eh. “ – Karen

 

 

Nabigla siya nung makita ako. Pero mas nabigla ako sa mga sinabi niya.

 

 

“Uhm. May naghihintay pa nga pala saking pasyente. Maiwan ko na muna kayo dito. “ sabi ni James tapos dali daling umalis. Tsk.

 

 

“Mamamatay? May sakit ka? “ – Ako

 

 

“W-wala. Naglolokohan lang kami ni James. “ Sabi niya ng hindi nakatingin sa mga mata ko.

Hey, Mr. Doctor!Where stories live. Discover now