Chapter 16: Accident

13.5K 230 6
                                    

Chapter 16: Accident

ALYSSA'S POV

"What if magaya tayo kila ate Dzi?" 

Nagulat ako nung sinabi niya yun, pero alam ko namang biro lang yun sakanya kaya tumawa nalang ako, "Baliw ka talaga! Imposible! Ikaw pa?!"

Pwede bang maging posible?

Hindi na siya sumagot, tumawa nalang siya.

Den, gusto ko na sabihin sayo..

"Besh may sasabihin ako sayo." 

Pabigla-bigla nanaman ako eh.

"Ano nanaman yun?" sambit niya na parang hindi siya interesado sa kung ano man sasabihin ko.

"Wag na nga!"

Nainis ako.

"Joke lang! Ano nga yun Miss Sungit?!"

Ayan nanaman siya sa miss sungit! 

"Miss sungit pala ah! Bahala ka dyan! Uuwi nalang ako sa dorm!" tumayo ako bigla at naglakad palayo.

Syempre alam kong susundan niya ako, kilala naman niya ako eh pabebe lang ako. Gustong-gusto ko kasi na sinusuyo niya ako eh.

Pero napansin kong hindi niya pala ako sinundan.

Totoong nainis na ako kaya humarap ako sakanya at sinabing hindi man lang ba niya ako pipigilan sabay takbo ko.

Uuwi nalang talaga ako.

Pero hinabol niya ako tapos ayun, sabi niya kaya di niya daw ako nahabol kasi natulala siya sa katawan ko.

Di ko napigilan kiligin, nagiging manyak na tong si Den eh. Hahaha

Tinigil kona pag-iinarte at inaya ko na siya papunta sa parking.

On the way na kami sa Mall, nauuna na si Den dahil naabutan ako ng stop light at nakadiretso na siya.

Medyo malapit narin ako sa Mall ng biglang..

*LOUD ACCIDENT SOUND*


DENDEN'S POV

Napatulala nalang ako dahil hindi ako makasingit sa dami ng tao na nakikiosyoso.

Pero hindi ko kayang dito lang, kailangan malaman ko.

May pumatak na luha galing sa mata ko.

Ano ba to. Napakahina ko talaga pagdating kay Ly, hindi pa nga ako sigurado kung sino to pero naiiyak na ako.

Pinunasan ko agad yug nag-iisang luha na tumulo sa pisngi ko, ready na ako ibigay yung lakas ko para makisingit pero parang may narinig akong tumatawag sakin.

"Besh!"

I froze.

There's only one person in my life na tumatawag sakin nun.

Paglingon ko, nawala lahat ng pangamba ko ng makita ko siyang hingal na tumatakbo palapit sakin.

I slowly walked towards her.

Parang tumigil yung mundo ko, wala akong ibang naririnig o nakikita kung hindi siya.

I stopped.

Nasa harap ko na siya, "Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita tinatawag, ang init-init makiki-osyoso kapa dyan sa accident? Pero alam mo ba kitang-kita ko yung nangyari. Nasa harapan ko lang yung red car then--" napatigil siya kasi nagsimula ng tumulo yung luha ko, I smiled. "Den, are you crying? Are you oka--"

Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit, yakap na may halong saya at tuwa, knowing na safe siya, na hindi siya yun, na andito siya sa harapan ko at buong buo.

"Thank God." finally may lumabas ng words sa bibig ko.

"What happened? Why are you crying?" nag-aalala niyang sambit habang magkahug parin kami.

Kumalas ako sa yakap namin, "Wala, let's go! Gutom na ako." then hinila ko na siya palayo dun.

She's asking me kung ano nangyari kanina at bakit daw ako nagkaganon. Hindi ko masabi sakanya kaya nagdahilan nalang ako na hindi okay pakiramdam ko at wag na namin pagusapan.

Kaya naman sinabi niya na magtake-out nalang kami ng pizza and ibang food tapos bumalik na sa dorm.

Pagdating namin sa dorm bumungad samin si ate Dzi, andito na pala siya, wala narin kaya siyang class?

Tinanong niya kami kung bakit ang aga namin, wala na daw ba kaming class. Sumagot naman si Ly na siya daw wala na.

Teka, lugi ako ah! Hindi man lang siya sinabi na kaming dalawa wala ng class. Nasermonan tuloy ako ni ate Dzi. Ayaw niya kasi na di kami umaattend ng class. 

Andito narin pala si Ella and Marge, tuwang-tuwa sila nung inabot ni Ly yung dala naming food, dali-dali naman kami nagpunta sa dining area at kumain.

Hindi ko mapigilan mapatitig kay Ly habang masaya kaming kumakain, ang saya ko masyado na okay siya. 

Sinusubuan ko rin siya, hindi ko alam, bahala sila kung ano iisipin nila, basta gusto ko gawin yun.

Syempre hindi nanaman kami nakaligtas sa pang-aasar nila, PDA raw kami. 

Ang sweet daw namin masyado, parang magjowa daw kami.

Tinawanan lang namin sila ni Ly.

Sana sa susunod wala na yung word na 'parang' at sana, sa susunod na aasarin nila kami, hindi tawa ang isasagot namin.

You know what I mean.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now