Chapter 15: Kiler Smile

15.2K 200 5
                                    

Chapter 15: Killer Smile

ALYSSA'S POV

It's been two months since I admitted to myself na may feelings ako for Den.

2 months narin kaming magjowa. Sinabi niyang mahal niya ako kaya naging kami na.

At syempre hindi totoo na kami na, imagination ko lang yan. Hehe

Tama kayo ng iniisip, we're still bestfriends.. walang nagbago.

Well, maybe meron.. yung feelings ko.

I planned to move on.. pero instead na makamove on, mas lalo lumala yung feelings ko for her.

Mas lalo kami naging close, sweet and caring sa isa't isa, kaya mas lalo akong nahuhulog.

Buong team rin namin super close na, hindi nalang kami basta teammates, family na kami.

Si Jovee naman minsan pumupuntang school para puntahan at makasama ako.

I decided na ikeep nalang yung feelings ko for Den.. para sa friendship namin. At hindi naman ako nagkamali, mas nakabuti nga dahil masaya kami palagi at naging mas malapit pa kame sa isat isa, walang ilangan, as in bestfriends lang talaga, pero clingy kasi tong si Den kaya minsan inaasar nila kami na baka tulad nadin kami nila ate A at ate Dzi, parehas namin tong tinatanggi kaya tumitigil din sila sa pang-aasar.

Pero meron ding time na naiinis ako pag magkasama sila nung Myco, minsan kasi inaaya niya si Den lumabas, sumasama naman si Den kasi kaibigan niya daw yun.

Muka namang mabait pero parang ayoko sa kanya kasi naaagaw niya yung time na dapat kasama namin si Den.

Oo, nagseselos ako. Pero wala naman ako magagawa eh, I'm just her bestfriend. Ano naman reason ko kung sasabihin ko magstop na siya makipaghangout kay Myco?

-

Nandito ako ngayon sa secret place namin ni Den, I'm waiting for her dahil sabay kaming maglalunch. Ngayon lang ata ako nauna, palagi kasing siya yung nauuna at naghihintay.

Humiga muna ako sa damo tapos tumingin ako sa langit, nasilaw ako kaya napapikit ako.

Naramdaman ko nalang na parang hindi na nakakasilaw, at pagdilat ko, nakakita ako ng napakagandang view.

Hay nako Den, panong di ako maiinlove sayo? Bukod sa ang ganda mo, nakakabaliw yang killer smile mo.

Automatic na napasmile rin ako, inabot niya yung kamay niya para makabangon ako at maupo.

Umupo rin siya sa tabi ko.

Nakaramdam ako ng antok kaya ipinatong ko sa balikat niya yung ulo ko.

Napapout ako, "Dito muna tayo, please?"

She smiled then pinisil yung ilong ko.

"Araaaay! Para kang si Jovee! Makapisil sa ilong ko wagas!" nakabusangot kong sabi habang hawak ilong ko.

Bigla nagbago expression ng mukha niya saka tumingin sa ibang direksyon.

Nagtaka ako, "Bakit? May nasabi ba ako? Bakit bigla nagbago mood mo?" bigla siya nagpout kaya natawa ako, "Ang cute mo, para kang bata na di nabigyan ng candy."

"Dun kana sa Jovee mo!" bigla siyabg tumalikod at nagtakip ng mukha.

Aba may paganon pa siya ngayon, nanggigil ako sa kacute-an niya. Parang bata na nagtatampo eh.

Nagseselos ba siya?

"Nagseselos kaba? Don't worry, ikaw lang bestfriend ko, ikaw na yung bestfriend ko, he left me before, remember? Wag kana magtampo diyan, cute cute mo eh." hinawakan ko siya sa balikat para iharap sakin.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now