Chapter 7: Hug

18.6K 259 8
                                    

Chapter 7: Hug

ALYSSA'S POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, bakit parang ang sikip? I was about to move my hand ng marealize ko kung ano ang posisyon namin.

Shet. Nakasiksik ako sakanya, nakapayakap ang isa kong kamay sakanya at nakayakap siya sakin. Nanlaki ang mata ko pero mabilis na napangiti din ako sa di malamang dahilan.

Dahan-dahan akong umalis sa yakap niya at umupo. Pinagmasdan ko siya, mahimbing parin ang tulog niya.

Naalala ko yung nangyari kagabi, takot na takot ako. Hindi ko kakayanin matulog gayong nakapanood ako ng nakakatakot. Nahiya nalang kasi ako tumanggi kagabi kaya nakinood ako kahit gabi na.

Pero mabuti nalang, nandito yung besh ko. Pinagtabi namin yung kama namin para magkalapit kami at hindi na ako matakot.

Hindi ko rin makakalimutan yung sinabi ko sakanya, nahiya ako bigla sakanya. Ang drama ko kasi masyado kagabi.

"Buti talaga nanjan ka, di ko alam gagawin ko kung wala ka." sambit ko.

Nakita kong ngumiti siya, "Sus, wala yun. Basta lagi lang ako nandito para sayo. Okay?"

Ang bait bait niya, ang swerte ko may kaibigan akong tulad niya. Kaya naman di ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya, "Thank you so much, you're my angel.."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, kasi naman! Ano ba naman yang 'you're my angel' na yan! Ang drama ko na masyado. Psh nailang ata siya T_T

Kumalas na ako sa yakap ko sakanya at umayos ng higa, "Tara na matulog na tayo. Goodnight besh." sambit ko ng hindi tumitingin sakanya. Pakiramdam ko ang pula ng mukha ko.

Humiga narin siya, "G-Goodnight besh, sweetdreams."

Nakatulog narin ako agad kagabi ng di ko namamalayan. Magkatabi kami kaya hindi na ako natakot.

"Hmm.." narinig ko ang pag-ungol niya kaya naman napatingin ako sakanya.

Gising na siya, mabilis na napunta sakin ang tingin niya kaya umiwas agad ako.

Nahihiya parin ako, hindi ko alam kung bakit. Pero isa sa dahilan yung magkayakap kami habang tulog.

"Goodmorning." sambit ko.

Umupo rin ito gaya ko, "Goodmorning!" nakangiti niyang sambit.

Biglang may kumatok, "Girls! 30 minutes. Dapat nasa baba na lahat."

Dahil don, nagmadali na kaming maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay bumaba, magjojogging daw kami sa oval ng 30 minutes pagkatapos non ay pwede na kaming magpahinga at maligo para makapasok sa class namin.

**

DENDEN'S POV

Nagising ako ng nakayakap ako kay Ly habang siya ay nakayakap rin at nakasiksik sakin, hindi ko alam kung pano nangyari pero di ko inalis. Sa halip ay hinayaan ko ang sarili kong makatulog ulit.

Maya-maya naramdaman kong inaalis na niya yung yakap ko sakanya saka siya bumangon. Nagpanggap akong tulog parin at walang alam.

Pero syempre, kunyare maya-maya nagising narin ako. Nagbatian kami ng goodmorning saka nagmadaling maghilamos dahil kailangan namin magjogging.

4:30 am palang, antok pa ako pero kailangan na gumising.

**

Kumakain na kami ngayon ng breakfast. Pero napapansin ko yung mga nakakalokong tingin nila sakin.

Sakin nga lang ba?

"Ehem ehem."

Napatingin ako kay ate Dzi na mukhang nagpipigil ng ngiti. Tumingin ako sa iba at yung mga itsura nila ay ngiting aso din.

What?

"Uhh.. ano meron? Bakit nakaganyan kayong lahat samin?" nagtataka kong tanong pero nakangiti.

"Samin? Anong meron? Baka sa inyo anong meron? " nang-aasar na tanog ni ate Dzi.

"Ha?" sabay na tanong namin ni Ly.

Nagtawanan silang lahat. Ano ba yun?

"Wala wala." natatawang sambit ni Ella. Loka lokang to, ano kaya trip nila.

"Ganun ba talaga pag magbestfriend?" - hirit ni ate A habang nakangiti na mapang-asar.

Ano ba pinagsasabi nitong mga to? Nababaliw naba sila?

"Anong ibig niyong sabihin?"- sabay nanaman kami ni Ly.

"Ayy! Kailangan lagi sabay?"- Mae

"Ano kayo. Choir?"- Amy

Then they laughed.

"Wala yun, kumain na kayo, mapang-asar lang mga yan."- sambit ni ate Jem ng nakangiti.

" Oo nga. Wala lang yun. Diba Gretch? " - ate Fille.

Tapos ngiting asong tumingin kay ate Gretch.

Sobrang curious na ako kung ano ba tinutukoy nila, pero wait, don't tell me, n-nakita nila?

"Oo Fille. Di naman natin sila nakitang magkayakap habang natutulog eh. Tapos magkadikit pa yung kama?"- nakangiting sabi ni ate Gretch tapos nagtawanan silang lahat.

Sht. Sabi na nga ba nakita nila hahaha pero bakit ba nila ginagawang big deal, nahihiya tuloy ako.

Napayuko ako para itago yung hiya, pero nagulat ako ng nagsalita si Ly.

"Ah yun ba?" nakangiting sabi nya. "I can't sleep last night dahil I was so scared sa pinanood natin. So we agreed na pagdikitin yung kama namin para magkatabi kami. Niyakap nya ako para hindi na ako matakot. She's my bestfriend and I think there's nothing wrong with it naman. It's not big deal, right?"

Napanganga sila sa mga sinabi ni Ly.

"Yeah she's right hehe" sambit ko nalang para matapos na ung pang-aasar nila samin.

Pero hindi naman ganon yung nangyari diba? Hindi ko siya niyakap dahil natatakot siya, nagulat nalang kami magkayakap na kami.

Bakit ba ang big deal sakanila? 

Saka bakit.. kinikilig ako?

Huy denden! Babae ka, okay? Babae ka, she's your BEST friend, not your girlfriend..


I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon