Mag-gragraduate Ako Ma

769 13 2
                                    

Mag-gragraduate Ako Ma

By: Adrian Cruz 

==========================================================================

Isang maulan na umaga, araw ng lunes. Nagmamadaling pumasok sa school si Oliver dahil maleleyt na siya sa pagpasok. Si Oliver ay isang top student sa klase nila. Elementary pa lang, proud na proud na sa kanya ang mga magulang niya at ngayong malapit na siya magtapos ng highschool ay may maipagmamalaki na ang kanyang magulang. Siya nga pala, ulila sa ama si Oliver dahil ipinagpalit sila nito sa Koreana. OFW ang ama pero hindi na umuwi, dalawang taong gulang pa lamang siya noon. Si Aling Maria, ang ina ni Oliver, ang tanging nagpapaaral sa kanya. Nairaos niya ang pag-aaral nito sa pagtitinda sa palengke. Napakasipag at napakabuting ina ni Aling Maria. Napapahiling na lamang ang kanyang mamimili na sana, siya na lang ang nanay nila. Napakaswerte ni Oliver kay Aling Maria.

"Pare, naiwan ko yung project ko." sabi ni Oliver.

"Naku. Patay ka dyan. Requirement pa naman yon para maclear ka for graduation." sabi ni Alice, ang close friend ni Oliver.

"Pwede pa. Uwi ka muna. Di baleng malate maipasa mo lang yan." sabi naman ni Leo, seatmate ni Oliver.

"Mukhang huli na. Parating na si Sir Galang." sabi naman ni Norman, na kadarating lang.

"Nakita ko siya, naglalakad na papunta rito. Kaya nga binilisan ko eh."

"Speaking of the devil." maarteng sabi ni Alice ng makitang pumasok ng pinto ang maestro.

"Paano na 'to? Sana pwedeng malate muna ng pagpasa." alalang sabi ni Oliver.

"Siguro naman class, alam niyo na ngayon ang deadline ng project na pinagawa ko sa inyo. Pass them forward." pabiglang sabi ni Mr. Galang. Kilalang strikto si Mr. Galang sa kanyang rules at kapag sinabi niya, final na yon.

Maraming estudyante ang galit sa kanya, halata sa mga vandalism sa armchair na nakaukit pa. Pati mga magulang, kaibigan, lolo, lola, tita, tito, kamag-anak, kapitbahay, kapitbahay ng kamag-anak, pinsan, second cousin, kaibigan ng pinsan, kaibigan ng kamag-anak at kaibigan ng naibagsak nito ay galit sa kanya at pinapanalangin na mamatay na siya, buti na lang at nakakatulog pa ito ng masarap sa mga karayom na tinutusok sa manika niya. Naglakas-loob na magtaas ng kamay si Oliver, "What is it Oliver? May problema ba?"

"Sir pwede po bang bukas magpasa? Naiwan ko po kasi yung akin." paliwanag ni Oliver.

"Mukhang wala sa mood si Sir." bulong ni Alice.

"Ilang ulit kong sinabi at pinaalala yan sa inyo? Kapag pinagbigyan kita sasabihin ng mga nagmadaling gumawa na 'Ay, pwede pa pala bukas, dapat ndi na muna ako nagmadali.' Ang deadline ay deadline. Sorry Oliver. It's now or never." napakamot ng ulo si Oliver dahil nasermon siya kaaga-aga. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Brainblast! Naisipan niyang itext ang ina.

Maagang gumigising si Aling Maria para magtinda sa palengke. Alas tres pa lang ng madaling araw ay paalis na siya ng bahay, lagi niya hindahanda ang kakainin ni Oliver. Masigla siyang nagtatawag ng mamimili kahit na napakataas na ng lagnat niya noong araw na iyon. Hindi niya pinapahalata, nahihilo, kulang siya sa tulog at hindi pa nag-almusal nang matanggap ang text ni Oliver.

'Ma, pwede nyo bang hatid dito sa school yung project ko sa bahay? Kulay green na sliding folder saka yung drawing sa tabi nun. Kelangan lang talaga ngayon.' di naman kalayuan ang eskwela at sa palengke ang bahay nila.

Siguro isang sakay lang ng jeep, iisang ruta lang naman yon. Dali-daling iniwan ni Aling Maria ang kanyang pwesto para umuwi. Kahit nilalagnat at nawawalan ng balanse ay nagmamadali pa rin siyang makauwi para maipadala ang kailangan ng anak.

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon