Eyeball

548 4 1
                                    

EYEBALL

======================================================================

Kilala si JANET SWEET sa kanyang pinapasukan Unibersidad bilang isang FEELINGERA. Madaming inis at galit sa kanya dahil bukod sa masamang pagmumukha nito ay masama din ang ugali. Mejo sinwerte lang sya dahil may kaya ang kanyang pamilya. Sinubukan nyang magparetoke ngunit sa kasamaang palad ay pati ang siyensya ay hindi kinaya ang pagmumukha nya. Kahit anong gawin nila ay hindi nila ito mapaganda. Sabi nga nila PARANG PINAGLIHI SA SAMA NG LOOB. Kaya naman si JANET ay dinadaan na lang sa pera ang lahat ng bagay. Pati mga kaibigan sa Unibersidad ay halos bayaran na lang nya para samahan lang sya.

Madalas syang mag kwento sa mga kaibigan tungkol sa kanyang nobyo kahit alam naman ng mga ito na "IMAGINARY BOYFRIEND" lang ito ni JANET dahil ni minsan ay wala itong naipakilala sa kanila. Lingid sa kaalaman ng ating bidang kontrabida pinagtatawanan na lang sya sa Unibersidad na pinapasukan dahil FEELING MAGANDA nga! Kung makarampa ay akala mong saksakan ng ganda. 

Ang tanging libangan ni JANET ay makipag chat tuwing gabi dahil pag nag iinternet sya dun lang sya gumaganda. Isang gabi ng naka online sya sa facebook ay may gwapong lalake nanag add sa kanya. Nagngangalan itong ROMMEL TORRALBA. Accept naman agad si Gaga. Ang hindi nya alam ay bihasa si ROMMEL sa pag gawa at pag gamit ng larawan ng ibang tao para mang rape ng mga babae at saka papatayin. Gumamit lang si ROMMEL ng larawan ng gwapong lalake para maingganya ang mga babae sa kanya. Dahil sa kapangyarihan ng ADOBE PHOTOSHOP ang buong akala ni ROMMEL ay totoong maganda si JANET.

"JACKPOT!" sa loob loob ni ROMMEL.

Ilang gabi pa lang ang nakakaraan ng magkakilala ang dalawa over the internet. Mukhang nainlove si JANET sa POSER NA BINATA. Dahil desperada ang dalaga at ni minsan ay hindi pa nagkaka boyfriend ay agad naman nyang pinatos ang offer ni ROMMEL. 

Magkikita na din sila sa wakas.

Todo pag pagaganda ang ginawa ni JANET kahit wala na syang igaganda. Dinaan na lang nya sa foundation at blush on para matakpan ang kurikong sa kanyang mukha. 

Si ROMMEL naman ay ihihanda na din ang sarili para sa pagkikita nila ng inaakalang magandang dilag.

Usapan nila ay magkikita sila sa isang Hotel, sagot naman ni JANET ang lahat ng gastos kaya ok lang. Naunang dumating si JANET sa Hotel na yun. Tinext nya kay ROMMEL ang room number nito. 13th floor room 666. Dumating na din ang binata. Madilim sa kwarto, wala ng usap usap at nangyari na ang nangyari.

Ng buksan nila ang ilaw ay nagkagulatan pa sila dahil sa pag mumukha ng isa't-isa.

"Aaaahhhh! P*T%*6 !%@!!!"

Halos magkandasuka si ROMMEL dahil diring diri sya sa nangyari at hindi nya matanggap. Ganun din naman si JANET. Sa lagay na yun pakiramdam nila ay lugi pa sila sa isa't isa.

Agad kinuha ni ROMMEL ang patalim sa kanyang bag at pinagsasaksak si JANET. Gigil na gigil sya kaya naman pinuruhan nya ng saksak ang dalaga sa mukha at dibdib. Kalunos lunos ang bangkay nito. Pero dahil walang konsenysa si ROMMEL ay ninakawan nya muna ang dalaga at nilisan ang Hotel.

Habang nasa taxi ay tuwang tuwa ito dahil madami-dami din ang pera na nakuha nya sa dalaga. 

"Manong ihatid mo ko sa mamahaling beerhouse" saad ni ROMMEL.

Sa halip na sumagot ang driver ay humalakhak ito ng humalakhak. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Parang demonyo. Ng humarap ito kay ROMMEL ito pala ay walang iba kundi si JANET. Kahindik-hindik ang itsura nito. Halos mabura ang mukha dahil sa tinamong saksak. Bahagya na din itong naaagnas at inuuod.

“Sayang minahal pa naman kita ROMMEL. Ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko, pero ikaw din ang pumaslang sa akin, kaya naman isasama kita. Isasama kita sa IMPYERNO! Hahahahaha!”

“Hindeeeee! Layuan mo ko impakta ka!” sigaw ni ROMMEL.

Nagtangka syang tumalon mula sa taxi pero naka lock ito. Bumilis ng bumilis ang andar ng sasakyan at tuluyang bumangga. Pero mukhang sinwerte pa din si ROMMEL kaya naitakbo pa ito sa ospital. Ang pinagtataka ng mga tao ay walang driver na nakita sa loob ng taxi. Tanging si ROMMEL lang.

Pagkatapos ng naganap na insidente ay naapektuhan ang utak ni ROMMEL. Tuluyan na syang nabaliw at ang naging bagsak nya ay sa Mental Hospital. Ang masaklap sa lahat ay hindi pa din sya iniiwan ng karimarimarim na kaluluwa ni JANET. 

“Babantayan kita Mahal kong Rommel, kahit kelan ay hinding hindi na ako aalis sa tabi mo..” Yan ang mga katagang palaging binubulong ni JANET sa RETARDED na si ROMMEL kahit saan pa sya magpunta. Nagwala sya ng nagwala dahil hindi nya na ma-take ang pagmumulto ni JANET. Tumakbo sya palabas ng Mental Hospital, hindi nya alam na may padating na 10 wheeler truck. Nakaladkad sya nito. Pisak ang katawan at lahat ng laman loob nya ay nagtalsikan sa kalsada.

Sa wakas ay nagkasama na din ang dalawa at patuloy na nagmumulto at naghahasik ng lagim sa mga tao.

==========================================================================

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon