Trick Or Treat

532 4 0
                                    

TRICK OR TREAT

by: ADMIN Scary Spice

========================================================================

Single Mom si Tessa. Dalaga pa lang ito ay may kaya na ang pamilya nya kaya kahit walang katuwang sa buhay ay nakayanan nyang buhayin ang kanyang kambal na sina Missy at Mika.

12 years old na ang kambal pero hindi na-enjoy ng dalawa ang pagiging bata.

Naging istrikto at mahigpit si Tessa sa dalawa. As in overprotective. Ni hindi nya ito pinapayagan lumabas ng bahay ng hindi sya kasama. Bahay-eskwela lang ang kambal kaya naman hindi sila marunong makihalubilo sa mga tao.

Dumating din sa punto na nasasaktan nya ang mga sariling anak dahil nagpupumilit ito lumabas ng bahay. Kahit reasonable na tulad ng pag gawa ng mga projects sa school ay hindi pa din nya pinapayagan ang mga ito. Pero sa kabila ng lahat ay sumunod pa din ang kambal sa kanilang ina.

**

Missy: "Bakit kaya hindi tayo pinapayagan lumabas ni Mama? Naiinip na ko dito sa bahay, palagi na lang tayo nakakulong."

Mika: "Oo nga, ni hindi na nga tayo nasisikatan ng araw. Puro TV at computer na lang ang kaharap natin."

Narinig ni Tessa ang usapan ng dalawa kaya lumapit sya sa mga ito.

Tessa: "Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na iniingatan ko lang kayo dahil ayokong may mangyaring masama sa inyo." tila nagpipigil na galit ng ina. 

Mika: "Mama, may sarili na po kaming pag iisip. Alam na din po namin kung paano aalagaan ang mga sarili namin. Alam din po namin ang tama at mali."

Missy: "Oo nga Ma. Hindi na kami bata, sana po ay payagan nyo na kami makihalubilo sa mga tao. Wag nyo po sana kami masyadong higpitan. Nakakasakal na po kasi."

Tessa: "Ah ganun?! Sa lahat ng hirap ko sa inyong dalawa ito pa ang igaganti nyo sa akin?!" pasigaw na sagot ni Tessa.

Hindi naman nakapagpigil si Mika kaya nasagot nya ang ina..

Mika: "Ma naman! Ilang taon nyo na kaming kinukulong. Maawa naman kayo sa amin ni Missy. Kaya kami tinutukso sa school kasi wala kaming kaibigan, pagkatapos hatid sundo nyo pa kami! Ginagawa nyo kaming bata!"

Tessa: "Aba! Sumasagot ka na ngayon!!" sabay sampal kay Mika.

Missy: "Ma, tama na po!" umiiyak na sambit ng dalagita

Tessa: "Hala sige! Simula sa isang linggo ay hindi na kayo mag aaral. Kukuha na lang ako ng tutor para sa inyo at dito lang kayo sa bahay mag aaral!" sigaw nya.

Si Mika naman ay nadala na ng emosyon at di na nakapagpigil.

Mika: "Mas gugustuhin pa namin mamatay at mapunta sa impyerno kesa ikulong nyo kami dito!"

Tessa: "Wala kayong utang na loob!!!" at sinampal ulit ang anak.

Lalong naging miserable ang buhay ng kambal. Dahil sa sobrang pag aalaga ni Tessa sa mga ito ni ayaw na nyang papasukin ang mga anak sa eskwela. Sa halip ay kumuha na lang sya ng tutor.

**

"Ako si Ms.Mallari. 28 years old lang ako, at simula ngayon ako na ang magtuturo sa inyo." masayang pakilala ng tutor sa kambal.

Nagsimula sila sa kanilang lesson, napansin ni Ms.Mallari na kulang ang kaalaman ng mga dalagita at tila walang maisagot sa essay na ipinagawa nya tungkol sa "Pagkikipag kaibigan"

Kaya naman...

Ms. Mallari: "Missy, Mika bukas ng gabi meron kaming Halloween Party sa kabilang Village sa clubhouse. Masaya yun. Makakakilala kayo ng mga bagong kaibigan at mag ttrick or treat tayo sa mga bahay bahay. Sama kayo ha?"

Missy: "Naku, malabo po. Hindi po kami papayagan ni Mama."

Ms. Mallari: "Pero kailangan nyo makihalubilo sa mga tao. Hindi habang buhay ay magkukulong kayo dito."

Mika: "Kung alam nyo lang po Ma'am. Kung alam nyo lang.." makahulugang sambit ng dalagita.

Ms.Mallari: "Alam ko ang lahat. Akong bahala sa inyo, basta aatend kayo ng party. Bukas ay dadalhin ko ang costume nyo. Basta aattend kayo ha?" saad ng guro.

Hindi na nakasagot ang kambal dahil alam nilang imposible na payagan sila ng ina na si Tessa.

**

Kinabukasan pagkatapos silang turuan ni Ms.Mallari.

Ms.Mallari: "Dala ko na ang costume nyo, mamaya aasahan ko kayo. Akong bahala sa inyo. Wag nyo ng isipin ang mommy nyo. 8PM lumabas kayo at susunduin ko kayong magkapatid."

Missy: "Pero Ma'am..."

Ms.Mallari: "8PM sharp!" maikling sagot ng guro, sabay ngiti at saka umalis.

**

Missy: "Ano Mika? Pupunta ba tayo?"

Mika: "Oo! pupunta tayo. Ngayong gabi ang simula ng ating kalayaan."

**

8PM suot na ng kambal ang kani kanilang costume. Si Mika ay excited ngunit si Missy naman ay kinakabahan. Pababa na sila sa kwarto nila. Una ay sumilip sila sa sala pero wala ang ina. Sumunod ay sa dirty kitchen at sa kusina pero wala din dito si Tessa. Tahimik ang buong bahay. Tamang tama para makatakas sila.

**

9PM nagising sa mahimbing na pagkakatulog si Tessa. Naalala nya ang kanyang mga anak kaya naman chineck nya ang mga ito sa kwarto ngunit di nya nakita ang dalawa. Hinalughog na nya ang buong bahay pero wala talaga ang kambal.

Nag simula ng magpanik si Tessa. Maya maya ay may narinig syang tatlong katok sa pintuan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam sya ng takot. 

Dahan dahan syang lumapit at binuksan ang pinto. Nagimbal sya sa kanyang nakita..

Si Ms.Mallari na kakilakilabot ang itsura. Nakakulay itim, naka lugay ang mahabang buhok, nangingitim ang ilalim ng mga mata at nakangisi pa ito na tila ba nakakaloko. 

Tessa: "Anong kailangan mo?!" mataray ngunit natatakot na wika nya. 

Ms.Mallari: "Natatandaan mo ba ang sabi ng anak mo? Mas gugustuhin pa daw nilang mamatay at mapunta sa impyerno kesa ikulong mo sila." nakangising sagot nito.

Mula sa isang malaking paper bag ay may kinuha si Ms.Mallari.

Ang duguan at mga pugot na ulo nina Mika at Missy. Nakadilat pa ang mga mata nito at sabay nilang sinabi kay Tessa.

TRICK OR TREAT!!!!!!

========================================================================

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon