Thirty Eight

112K 2.4K 146
                                    

Nakahinga ako nang maluwag pagksabing 'Thank you' sa akin ng Manager ng inaaplyan namin ni Claire para sa summer job. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay, I mean, 'yung pag-aaply kaya sobrang kabado talaga ako. Kanina nga habang si Claire ang nakasalang feeling ko may pumupukpok sa dibdib ko. Muntik na nga akong umatras.

"Thank you rin po," sabi ko saka kinamayan siya. 'Yun kasi ang bilin ni Kuya, kakamayan daw 'yung interviewer before and after ng interview.

Pinuntahan ko na si Claire na nakaupo sa 'di kalayuan. "Ano, kumusta?" tanong niya.

"Mukhang okay naman. Tatawag na lang daw kung tanggap ako," sabi ko.

"Tanggap 'yan! Maniwala ka sakin!" Kumindat pa siya saka hinila 'yung braso ko. "Tara na. Kailangan pa nating bumalik ng Campus. Marami-rami pa akong papapirmahan 'no."

Oo nga pala, pirmahan ng clearance ngayon. Dahil maaga ako kanina, dalawa na lang ang kulang ko. Itong si Claire, isa pa lang ang napapapirmahan. Late na kasi dumating sa campus kanina. Parang si Xander din.

Speaking of Xander. It's been two weeks simula nang mag cool-off kami. Though may times na parang gusto ko nang kausapin na ulit siya. Ang kaso naman, siya naman 'tong lumalayo. Tulad noong isang araw, pagkakita sa akin umiba ng daan. Naiinis ako pero naiintindihan ko naman. 'Di bale, sa susunod na magkaroon ako ng pagkakataon, lalapitan ko na agad siya.

"Kain na kaya tayo dito ng lunch? Magaalas-onse na rin naman o," ani Claire.

"Hindi pwede e. May usapan kasi kami ni Josh na sabay kakain. Ipapatikim niya raw 'yung luto niya," sagot ko.

Tinignan ako ng masama ni Claire. "'Wag mong sabihin na nanliligaw na ulit sayo yan ha? Tandaan mo, cool off lang kayo ng pinsan ko."

"Hindi 'no! Friends lang kami, okay? Saka kahit naman magsabi siya hindi ko papayagan. Alam mo namang iisa lang ang nasa puso ko."

Ngumiti siya ng nakaka-asar saka sinundot-sundot 'yung tagiliran ko. Nagprotesta ako ng koti pero natatawa rin naman sa ginagawa niyang pang-aasar.

"Ang cute niyo talaga ni Xander. Kahit cool-off kayo kinikilig ako sa inyo," aniya.

Inirapan ko siya saka nagpatiuna ako ng lakad. Pero binilisan niya rin ang lakad niya saka sumabay sa paglalakad ko. Papunta kami sa sakayan ng jeep nang itapat niya sa mukha ko ang isang box ng Toblerone.

"Ano yan?" tanong ko hindi kinukuha 'yung chocolate.

"Shunga 'te? Ngayon ka lang nakakita ng chocolate? Saang bundok ka galing?"

"Alam kong chocolate 'yan! Ang ibig kong sabihin, para saan 'yan? Wag mong sabihin na ikaw naman ang may balak manligaw sa akin ha?"

"Yuuuck! Kaderder ka Mica ha! Hindi 'no! Galing yan sa prinsipe mo." Ngumuso pa siya saka inilagay sa kamay ko 'yung toblerone.

Tinignan ko lang 'yun at pinipigilang ngumiti.

"Pasalamat ka binigay ko pa yan sa'yo. Kanina pa ako kating-kati na kainin yan e. Kita mo, tumagal sa kamay ko," aniya saka tumawa ng malakas.

"Adik ka talaga! Buti talaga binigay mo 'no! Kay Xander ka naman malalagot hindi sa akin e," sabi ko.

Ngumiti na naman siya. "Ayiee! Bakit pag sinasabi mo 'yung pangalan niya nag-iiba aura ng mukha mo?"

Hinampas ko agad siya sa braso at 'di na sumagot. Feeling ko namumula na ako kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. May napansin ako na nakasulat sa isang bahagi nun.


To my Princess Michaela.

-Xander

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon