Chapter 35.1

24.1K 339 10
                                    

Sabby's POV:



Nagising ako ng bagong araw..

Bagong taon..

Bagong buhay..

Bagong.. B-bagong Samantha Alexis Bassette..

Kailangan ko na talagang baguhin ang sarili ko..

Nag-ayos na ako, pero ibang ayos.. Naglagay ako ng thick black eyeliner at dark red lipstick, nagsuot na rin ang ng black short shorts, yung pang-swimming kase ang motor ko ang gagamitin ko.. Nilagay ko na rin ang notebook at ballpen ko sa mini back pack ko.. Di na ako nagdala ng libro.. Bagong buhay, ika-nga.

 Bumaba na ako at naabutan ko naman si Sab na nagulat, pati na nga sina Mama't Papa..

Nagmadali na akong umalis pero bago pa ako makalabas ng pinto..

"Anak di ka man lang ba kakain?" Nag-aalalang tanong ni Mama..

"Di na."

"Ate, di ka sasabay?" Tanong naman ni Sab..

"Di." Sagot ko tsaka umalis na ng bahay.. 

3rd Person's POV:

Pagkaalis ni Sabby, di naman makapaniwala ang pamilya ni Sabby sa inasal ng anak o kapatid nila..
Umalis na rin ng bahay nila si Sab pagkatapos nun..

Sa kabilang dako naman malapit-lapit na si Sabby sa M.U. at kada-tao na madaraanan niya ay napapatingin kay Sabby, may mga simpleng estudyante na nag-aabang ng bus, meron naman naglalakad papuntang M.U. at meron ring simpleng tambay lang..

Pinarada naman ni Sabby ang motor niya sa parking lot at pumasok na..
Habang pumapasok naman sa gate, iba't ibang ekspresyon naman ang nararamdaman ng mga estudyante, takot, hinayang, inggit at kung anu-ano pa..

A GANGSTER HIDDEN IN A PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon