ChapterTwo: Philippines, my home

101K 1.3K 57
                                    

CHAPTER TWO: Philippines, my home

Sabby's POV:

Oh myyy, nandito na ba talaga kami sa Pinas ngayon??! It’s been a long time. Naputol ang pagmumuni-muni ko sa pagdating ng sundo namin papuntang bahay. Haay, namimiss ko na si Manang Inday, at namimiss ko na ang luto niya saking cheesecake. Ah pala, si Manang Inday pala yung mayordoma namin sa bahay namin dito sa Pilipinas.

Sarap matulog. Kapagod kasi eh.

Nalimpungatan ako dahil sa gumigising sakin. Banamanyan, sino kaya ‘to? Kainis naman eh, gusto ko pang matulog. Sobrang pagod kaya.

 

"Gising na anak, nandito na tayo." Ay, si Papa pala. Tss. “Mamaya na Pa.” Sabi ko habang pinapadyak-padyak ang paa ko.

Narinig ko namang sumara ang pinto ng kotse. Hay, buti naman Papa.

 

“Aray!” Sakit nun ah! Pitikin ba naman noo ko. Napadilat tuloy ako. Psssh. Si Sab pala. “Huy Ate! Baba na nga. Kanina pa kami naghihintay sa’yo ah.” Reklamo niya.

 

"Andito na tayo?" Pagtatanong ko sa kanya. "Ate naman, kakasabi nga lang ni Papa kanina, paulit-ulit lang?" Aba’t namilosopo ang ugok na ‘to.

 

"Epal! Feeling Vice Ganda, palibhasa bakla.” Pangtutukso ko, nyahahahaha! Pero wag ka, joke lang yan. Di yan bakla nu, mukha lang. HAHAHHAHAHAHA!

 

“Tama na nga yan.” Pagsusuway ni Mama samin. Yes! Hindi na nakapalag si Sab. Mwahahahahaha!

Bumaba na rin kami ng sasakayan at pumasok ng bahay. "Good Morning Family Bassette.." Bati samin ng mga kasambahay at iba pa.

'Di na ako sumagot dahil nakita ko ang pinakamamahal kong si Manang Inday. "Manang Indaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

Niyakap niya naman ako. Namiss ko kaya ‘to. :”> "Suskoooo, aba’t napakadalaga na ng alaga ko.” Sabi niya habang kinukurot pa ang pisngi ko. “Manang Inday naman eh. Hahahaha.” Nakakahiya naman ‘to, parang akong bata. “Oo nga pala, nandoon na ang Cheese Cake sa fridge, sandali lang at kukunin ko." Sabi pa ni Manang Inday. Yipeee! Alam na alam talaga ni Manang ang hinahanap-hanap ko.

Umakyat naman ako ng hagdan at pumasok na sa kwarto ko. Mukhang wala pa ring pinagbago ah. Napasmile naman ako sa mga naka-frame na photos namin ni Sab. Lumapit ako sa pader kung nasan nakasabit ang mga ito, halos mga wacky at embarrassing moments pa namin. Napailing na lang ako, laki na pala ng pinagbago namin ni Sab.

Nakarinig naman ako ng marahang katok saking pintuan, bumukas naman ito ng mahina at binungad ang isang maid namin.  Agad sana akong pupwesto sa paboritong lugar kong kainan ng cheesecake nung makita kong isang slice lang.  Naman eh, tss.

A GANGSTER HIDDEN IN A PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon