ChapterThree: Cheese Cake and Montenegro University

88.7K 1.2K 63
                                    

CHAPTER THREE: Cheesecake and Montenegro University

Sab's POV:

Grade 6 ako at 1st Year HS naman si Ate nung maisipan ng mga magulang namin na mag-migrate sa America. Sayang, graduating pa naman sana ako nun. Sabi kasi nila Mama, umiiwas daw sila sa gulo. Masyadong marami na raw kasi ang mga death threats na natatanggap ng pamilya namin. Eh sa pagkakaalam ng magulang namin, hindi kami marunong lumaban ni Ate. Hindi nga lang nila alam na kahit atleast, may alam kami, hindi nga lang ganun karami.

Nga pala, magkakaibigan pala yung parents ni Ivy at nina Mama’t Papa. Take note, not just friends, they’re also gang mates. Ayon sa kwento nila, isa sa mga pinakamalakas ang gang nila dito sa Pilipinas.

Black Bloody Masters. Yan ang pangalan ng gang nila. Ang parents nina Ivy ang nag-take charge sa pamumuno ng gang nila nung nag-migrate kami ng America. 

Sabby's POV:

Nasabi ko na ba sa inyo na sa terasa ang paborito kong pwesto dito sa bahay namin? Ganda kasi parati ng view, lalo na yung mga ulap at yung garden sa baba tapos ang ganda pa ng simoy ng hangin, fresh na fresh, sarap lang tumambay. Bumaba na ako pagkatapos kong magmuni-muni at kumain ng cheese cake.

Nakita ko namang nasa sala si Mama, nagbabasa ata ng magazine o libro, nakatalikod siya kasi sakin. Nasan kaya sina Sab at Papa? Baka nagbonding?? Napailing na lang ako sa naisip ko. "Anak, ikaw ba yan?” Tanong ni Mama. “Opo.” Sagot ko naman pabalik. 

“Sabby, papasok ka na sa Montenegro University sa Monday, ha?” Sabi ni Mama. “Mabuti na lang at friend namin yung may-ari. Tsaka yung uniform mo, papalagay ko na lang sa closet mo.” Sabi pa niya. Tumango-tango naman ako sa kanya kahit di niya nakikita.

"At sabay kayong papasok ni Sab, yung kanyang S7 na lang yung gamitin niyo.” Sabi pa niya.Like, WHAT THE HELL??! “Nga pala, kung may lakad ka, dun mo lang magagamit yung Eclipse Spyder mo." Dagdag pa ni Mama.

"Ano?? Teka nga, mahina ang kalaban eh.” Hirap ma-digest ng lahat ah. “First of, sabay kaming papasok ni Sab. Second, hindi ko magagamit ang Eclipse ko. Ma naman! It’s so unfair!” Sabi ko kaya napatayo naman si Mama at nilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bewang habang nakataas ang isang kilay. “Hay nako Samantha. My decision is final, okay? Wala nang reklamo. Period. No erase. Tapon susi. K?” Sabi naman ni Mama. Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang.

“Nga pala, remember Bliss and Autumn? Dun rin pala sila pumapasok, so amazingggg. You’ll see them in the private room beside the Cafeteria. Aware na rin sila na nandito na kayo.” Sabi pa ni Mama. "Sige.” Pagsang-ayon ko, shunga talaga 'to, hays.

Medyo na-late ako ng gising. Pa’no ba naman kahapon, pagkatapos naming mag-simba ginugol ko ang buong araw ko kakaayos ng closet, organize ng mga gamit ko sa kwarto at paglilinis ng Eclipse ko. Ayaw ko kase na ang mga kasambahay pa namin ang gumawa nun. Syempre, pwera na sa pagvavacuum ng kwarto ko, pagpapalit ng bedsheets at paglilinis ng banyo ko.

A GANGSTER HIDDEN IN A PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon