Chapter 6: Whatta DAY!!!!

9.4K 208 3
                                    

Sa aking mga masugid na mambabasa,

            Bago ko simulan, ako sana ay hihingi ng konting pabor. Ito ay ang inyong BOTO SA KABANATANG ITO. *ehem*Ako sana ay inyong patawarin sa matagal kong hindi pag-a-update. Ngayon lamang ako naka update sapagkat si awtor ay sinusumpong ng katamaran.

 

HAHA! JOKE LANG! PHEW! NOSEBLEED AKO DUN! Anyway, natagalan ako nag pag-UD kasi talagang pinag-iisipan ko pa ang mga susunod na events para mapaganda yung story. HEHE! v(^_^)v

Okay, read read na ^______^

~~~~~~~~~~~~~~~~~o O o~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Chapter 6

Aww!!!” – ako.

Gab’s POV

“Arrgh! Ang sakeeet! Tsk.” – hinawakan ko yung ilong ko.

Takte! Nalaglag ako sa kama. Nabigla kasi ako nung tumunog yung alarm ko. Ang masakit pa run, natamaan yung bridge ng ilong ko sa edge ng side table. Tae.

Pumunta ako sa banyo at tinignan ko yung ilong ko.

Aww!” – Tae. Ba’t ko ba hinawakan kung alam ko naman na masakit? Ang tanga ko talaga.

“Langya! Nagkasugat pa talaga ha!” – para siguro akong baliw. Nagsasalita ng walang kausap. Tsk. Naman o! May maliit kasi na cut pero mahapdi parin.

Pumasok ulit ako sa kwarto. Kinuha ko yung twalya na nakasabit sa sandalan ng upuan malapit sa study table. Maliligo muna ako.

Kumikirot pa nga yung sugat nung sinabunan ko yung mukha ko. Pahamak na side table naman yan eh! Pagkatapos nun, nanghablot lang ako ng damit sa closet ko. Hindi ko na pinili, kakatamad eh. Next week pa naman talaga magsisimula na complete uniform na.

“Good morning Gab ^_____^” sabay na sabi ni tita at Xiera. Si manang Ester naman, pinagkuha ako ng plato, kutsara at tinidor

“Morning.” – ako. Hinila ko naman yung upuan at syempre umupo. Nagsandok naman ako ng kanin.

CAMPUS CRUSH meets the GANGSTER #HIATUS#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon