#UD 33

5.9K 148 28
                                    

#UD 33

Gab’s POV

*PIIIP!*

Binitawan ko agad yung bola at agad napa- stretch sa katawan ko. Buti pumito na si coach. Kanina pa ako nagugutom =___=

“Good job girls. That’s it for now. Balik kayo after breaktime. You may take your snacks.” nagsitalunan naman yung iba kong teammate. Gurleh =__=… Akala ko ako lang yung gutom, marami rin pala kami. 2 weeks nalang interhigh na. Kaya todo clinic kami ngayon.

Dumirecho na ako sa locker area ng girls at nagpalit ng damit sa CR. Ang sarap iligo pero pawisan pa ako. Ayoko naman mapasma lalo nayung kamay ko. Baka mandiri yung makikipag- holding hands sakin, yoko nun ;D PWAHAHA. After kong magpalit, bumalik muna ako ng classroom para kunin yung bag ko. Nandun pera ko eh.

“Oh, nasobrahan yata sa training ah… pawisan ka oh!”

Sinagot ko naman siya pero hindi yata nakinig kasi may kinuha siya sa back pocket niya. Panyo pala.

“Varsity ka pero wala ka namang panyo…” pagkasabi niya nun, nabigla nalang ako nung pinunasan niya yung noo ko pati yung pisngi ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko kaya agad akong nahiya. They’re watching us.

“Sweet naman!” kanchaw nung isa kong kaklase kaya pabiro ko nalang tinulak si

“Dark naman… wag ka nga… para naman akong bata niyan eh!” sabi ko tapos inagaw ko sa kanya yung panyo niya.

“Dapat kasi nagdadala ka ng panyo.” – Dark.

“Oo na. Saglit, kukunin ko yung pera ko.” sabi ko naman at dumirecho sa bag ko at kumuha ng pera.

“Tara. Sabayan mo’kong kumain.” yaya ni Dark kaya tumango na ako.

Pagkalabas namin ng pintuan, nasalubong naman namin agad si Lee. Muntik na nga naming mabangga eh kasi tumatakbo siya.

“Ooops… Muntikan na boss..” nilipat niya yung tingin kay Dark na kasama ko tapos balik ulit yung tingin niya sakin.

“Break niyo rin?” tanong ko kay boss. Naka- jersey pa kasi siya eh. Gaya ko, pawisan din. Pero… kahit medyo distant ako, amoy ko parin pabango niya. Pinaglihi nga siguro ‘tong kumag nato sa perfume eh.

“Yup. Pinuntahan kita sa gym niyo pero wala kana dun kaya nagmadali akong tumakbo rito at baka nandito ka…” tinignan niya ulit si Dark na nakikinig lang samin tapos binalik niya ulit yung tingin niya sakin. “Yayayain sana kitang kumain.”

“Sig--”

“She’s going with me.” biglang sabi ni Dark nung sasagot na sana ako. Agad kaming napatingin ni Lee sa kanya.

CAMPUS CRUSH meets the GANGSTER #HIATUS#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon