#UD trentay-uno

5.7K 123 9
                                    

#UD trentay-uno

Lee’s POV

“HAAI- CHOOOOOOO!!!!”

Tangna grabe. Ang kati na ng ilong ko. Ang sakit pa kamo ng ulo ko. Parang ang bigat dalhin. Pangalawang pack na nga itong naubos kong tissue kakasinga ko. Parang di naman tumalab yung gamot na ininom ko kaninang umaga. Bukas pa naman yung exam ang malas! Ni di ko pa nagalaw yung mga notes ko.

Napabahing ako ulit, ang sama tuloy ng tingin sakin ni Gab nung tinignan ko siya. First subject kasi namin ngayon pero sinabi ng teacher namin na ibibigay niya yung time para makapag-review kami para bukas.

“ACHOOOOOOO!!!” for the nth time this morning =__=

“Yan kasi. Ang hina. Kaw pa ‘tong may lakas ng loob sumulong sa ulan ( >__>)” – Gab.

“Tss… lamang kalang ngayon kasi di ka tinablan. Palibhasa daig pa kalabaw eh.” – ako. OO, may sakit o wala nang-iinis parin ako. Pano ba, natutuwa ako eh.

“HAAAchoooooo!!!”

“Tsk. Tara na nga.” bigla nalang tumayo si Gab at hinila ako. Buti lumabas yung teacher. San naman ako dadalhin nito?

Tinanong ko siya kung san niya ako dadalhin pero di naman niya ako sinagot at dire-diretso lang yung tingin niya sa hallway. Ayan tuloy, hila-hila niya ako. Maya maya lang parang alam ko na yata kung san kami pupunta.

Sa clinic.

Binuksan niya yung pinto at agad pumasok. Medyo nabigla pa nga yung school nurse eh pagkakita ko.

“Paki bigyan po ng gamot ‘tong ugok kong kasama =__=” sabi niya habang tinuro ako. Napataas pa yung kilay ko nung tinignan ko siya. Sinong ugok, ha Gab?

“Ano ba nararamdaman mo?” tinanong naman ako nung nurse.

“Uhm… masakit po yung ulo ko tska sinisipon.” sagot ko naman. Halata pa nga sa boses ko kasi barado yung ilong ko.

“Nagpa-ulan ka siguro.” tumayo naman siya at kumuha ng gamot sa medicine cabinet tapos sinenyasan niya ako na humiga duon sa bed sa clinic.

Inabutan naman ako nung nurse ng dalawang med tablet at inumin ko raw. Chineck niya rin yung temperature ko. Sakto, nilalagnat nga ako. Sinabi lang niya na matulog muna ako at padadalhan nalang niya ng passes si Gab para ilagay sa room.

“Oh, wag kang papalag sa sasabihin ng nurse ah. Kapag nalaman kong pasaway ka babalian talaga kita ng buto. Matulog ka muna tapos babalikan kita mamayang breaktime. Alangan namang di ako pumasok.” sabi ni Gab sakin. Napangiti ako sabay salute sa kanya.

CAMPUS CRUSH meets the GANGSTER #HIATUS#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon