Chapter 46

45 7 3
                                    

   Inihanda ko na ang mga gamit ko para sa pag-alis ko mamaya papuntang London, sabay kami Mama, Papa at John papuntang Airport pero magkakahiwalay din kami..

"Mary Jane, bumaba ka ns ikaw nalang ang hinihintay dito"

   Sabi ni Mama..

   Sinarado ko na yung zipper ng bag ko at biglang dumating si John..

"Ako na magbubuhat neto pababa.."

"O sige"

   Sabi ko at tumayo na ako at lumabas na siya napahinto ako at napatingin sa cabinet.

"Ano tara na ?"

   Nabaling ko ang mga mata ko papunta sa kanya

"Sige mauna ka na sabihin mo kay Mama at Papa may hahanapin lang ako"

"Ok"

   Sabi niya at tuluyan nang lumabas si John dumiresto ako sa kabinet at binuksan ito.. at kinuha ang isang larawan namin ni Enrique kasama si Annie ang pusang tinuring naming bahagi ng buhay namin at ang singsing na sabi niya ay aming engagememt ring tinanggal ko ito sa kamay ko noong naging kami ni John,hindi ko namang mapigilang maluha pero kinontrol ko lamang ito..

"Anak, wag mo masyadomg damdamin yung kwarto mo babalik rin tayo dito ano ka ba?"

"Hahaha.. ikaw naman ma, mamimiss ko lang naman kadi ito"

"Tama na ang drama tara na"

"Sige po Ma"

    At nilagay ko sa bulsa ang larawan namin ni Enrique at yung singsing.

   Sinara ko na yung pinto at bumaba na kami ng sabay ni Mama..

*

    Magkahiwalay kami ng sasakyan ang kasama ko dito ay si John at si Manong James yung driver at sa kabila naman ay sina Mama at Papa.

"Ingat ka ah.."

    Sabi ko sa kanya..

"Ikaw ang mag-ingat dahil isa ka lang napupunta doon"

"Oo ako pa pag may umano sa akin naku makikita niya ang manny girl version"

   Sabay taas ng kamay at tumawa nalang siya pati ako.. Hindi naman mahirap mahalin si John, dahil mabait siya ang mahirap mahalin si Enrique pero naninlove ako ng husto.. sige na nga madaling-madali siyang mahalin..

"Malapit na tayo.."

   Sabi ni Manong James at naghanda na kami at makalipas ng mahigit kinse minutos na biyahe ay dumating na kami..

    Magkasabay lang ang sasakyan nila Mama at Papa, at amin dumating sa Airport..

    Tinulungan na akong magbuhat ni John ng mga bagahe..

  
"Anak ingatan mo ang sarili mo diretso sa bahay ng Lola at Lolo ha.."

"Opo Ma"

   Sabi ko..

"Basta pag natapos ang kasal ni.."

"shhhh--- Opo pupunta kayo agad sa London okay po.."

"Oo anak ganun nga"

    At kiniss ko si Mama at Papa sa kanilang pisngi at ..

"Paalam.."

   Sabi ko ng pumasok na sina Mama at Papa.. teka..

"Ba't nandito ka pa ?"

    Sabi ko kay John dahil nasa tabi ko pa siya.

Forever YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ