Chapter 45

55 7 3
                                    

Ang sakit parang tinusok ako ng isang libong karayom sa puso ko.

    Naglalakad ako sa tabi ng kalsada tanging daanan lamang at malamig na simoy ng hangin ang aking nararamdaman tahimik ang lugar walang mga sasakyan ang masyadong dumadaan.

   Ewan ko ba na kahit sa maikling salita lamang niya at maikling oras na nagkasama kami ay masakit na sa akin ng todo nang mawala siya sa akin.. bakit ngayon pa.

    Tumutulo na naman ang mga luha sa aking mga mata. namg maisipan kong tumawid

    Tatawid na sana ako ng biglang...

*

"Mary Jane Okay ka lang"

   Sa di malamang dahilan ay napayakap ako kay John at umiyak..

"Ui.. wag ka ngang umiyak diyan grabe ka naman"

   Pero mas lalong humigpit ang yakap ko kay John.

"Hay.. Sige iyak lang ilabas mo lang yan."

    Sabi niya at umiyak pa ako ng naramdaman kong wala na akong maiiluha ay bigla nalang humiwalay ang sarili ko sa kanya..

"Salamat at ikaw ang sinandalan ko ngayon"

"Wala yun"

   At isang ngiti ang binigay niya sa akin..

"Teka nasaan ako ?"

"Sa bahay niyo, hindi ka ba nakatira dito ?"

"Nakatira malamang mukha kasing hospital room"

"Clinic part ito ng bahay niyo ang yaman niyo pala.."

"hahaha ikaw naman"

     Sabi ko at tumawa nalang siya..

*

    Nasa isip parin ni Mary Jane ang masalimuot na oras na nangyaring pag-iwan ng kanyang minamahal sa isang lugar na kung saan sila nagsimula.

    Si John at Si Mary Jane ay nagiging malapit sa isa't-isa at labis na iniiwasan ng konti ni Mary Jane ang kanyang sarili na hindi mahulog kay John dahil halos magkatugma ang kanilang ugali na nagpapa-alala kay Enrique sa kanilang sumpaang hihintayin nila ang isa't-isa.

    Mahigit 2 buwan na ang nakararaan simula ng nangyari ang aksidente na naranasan ni Mary Jane sa daan ng mabangga siya. At wala nang kumunikasyon ang dalawang nagmamahal kaya Kinalimutan na ni Mary Jane si Enrique sa piling ni John, At naging sila na nga ni Mary Jane at John.

   2 linggo nalang at magaganap na ang kasal nina Enrique at ni Levea sa America. at 2 linggo nalang din ay lilipad na papuntang London si Mary Jane upang ipagpatuloy ang pag-aaral..

*

"Mary Jane, bumaba ka na anong oras na oh"

    Sabi ni Mama at bumaba naman ako habang tinatali ang aking buhok.

"Ma, sino po yung nasa telepono ?"

"Si Tito Rey mo"

"Bakit raw po ?"

"Basta saglit"

    Sabi ni Mama at naupo muna ako sa sofa namin at biglang may nagdoor bell at agad akong tumayo at nagtungo sa gate..

"Oh, John"

"Flowers"

     Sabi niya at binigay sa akin ang bulaklak sabay halik sa pisngi ko..

Forever YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon