Chapter 17~

5.8K 103 4
                                    

Umabot pa yung story ko sa number thingy ng Wattpad last update ko ah. Haha kahit na nasa hundreds ok lang, it’s all because of you goise! You’re just so fuckin awesome, thank you very much.

Sa mga nag-cocomment at nagbabasa, salamat po. That's Aliyah on the pic pala.

Comment, vote & follow:)

Xoxo,

CHiZUMi

---

     Naglilinis ako ng kotse ni papa ngayon. Kinuha ko yung tabo at binuhos ito sa pinto and I cleaned it again using a sponge. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tingin ni Chase sa akin noong isang araw, parang nalulungkot, nag-aalala at nagmamakaawa? Umirap ako sa sarili kong pag-iisip. Kamonmamon, baka namalikmata ka lang Dyl. Napatingin siya sa’yo o eh ano? Hindi ba pwedeng tumingin? At tama naman ang ginawa kong hindi pag pansin sa kanya diba?

Tama lang yun. He deserves it.

     I mean para naman akong tanga kung habol ako ng habol sa kanya diba? Wala namang mali sa kabaklaan ko at tama na ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Ano pa ang gusto niya? Mag-papako ako sa krus? Duh! Kung ayaw niya akong patawarin edi huwag! Bahala siya sa buhay niya. Nakakapagod na ah! Habol ako ng habol, hingi ako ng hindi wala namang nangyayari. Homophobic pala yun eh, kung nalaman ko lang sa simula edi sana di na ako dumikit dun. Pffft.

     Niligpit ko na ang mga gamit at hinayaan ng tumuyo ang sasakyan ni papa. Pumasok na ako sa loob at umupo sa sofa. Whew… Nakakapagod din palang mag-linis ng kotse noh? Di biro yun ah, ang lake pa naman ng sasakyan tas’ ako lang mag-isa. I need a break. Hihiga na sana ako ng biglang,

“Dylan!”

“Ahhh!!!!!”

     Tawang-tawa si ate ng ginulat niya ako umupo siya sa tabi ko hawak-hawak ang tiyan niya sa kakatawa. “Nakita mo yung ‘ahhh!!’ mo!? Nakakatawa!” Aniya. Inirapan ko siya, “So natutuwa ka?” Sarkastikong sabi ko. “Alis na nga! Hihiga ako eh, sakit ng bewang ko.” I wave her off para umalis siya. “Ayaw!” Umiling siya at ngumiti. Bumuntong-hininga ako, “Ano bang kelangan mo? Camera ko noh? Gusto mong hiramin?” Tanong niya. Umirap siya at niyakap ako. “Nag-uusap na raw kayo ni papa?” Nakangiting tanong niya.

“Wow teh, late mo sa balita.”

     Pinitik niya ang ilong ko. “Alam mo naman na busy ako ngayon eh! Ang daming recording schedule last week.” Sabi niya. She stopped hugging me at tinignan ako na nakangiti, “Ang saya-saya ko lang talaga.” She pouted at parang iiyak. “Hoy!” Tinuro ko siya. “Sige umiyak ka, hinding-hindi na kita papahiramin ng camera ko.” Pananakot ko sa kanya. Pero deep inside napangiti rin ako sa kanya, concern din pala siya sa akin. Parang ang sarap ng feeling, nakakagaan eh. “Eeeeeh.” Niyakap niya ulit ako. “Happy family na ulit tayo, bunso!” She squish her cheeks against my cheek. “Oo nga eh.” Mahinang sabi ko. “Ang saya ko nga rin.”

Happy family… Ang sarap pakinggan paulit-ulit. Sa wakas after a loooooong time mararanasan ko na rin ulit ang salitang ito.

     “Uy.” Tinapik niya yung braso ko, nagulat naman ako sa kanya iniistorbo kasi ang daydreaming ko. “Bakit naman?” Ngumiti siya sa akin at niyakap ang braso ko. “Ehhh… Nakakahiya ehhh!” Mukhang may sayad ata ngayon si ate ah, hindi naman siya gumaganito.

Well, kung minsan.

     “Ano ba kasi?” I snatch my arm away. “Labas tayo sa linggo, buong pamilya.” Aniya. Gusto ko yan ah, infairness makaka-bonding ko rin si papa yeeey! “Ikaw ang mag-sabi kay mama.” Biglang natigil ang pag-ngiti ko. “Ako?” Turo ko sa sarili ko. Dali-dali siyang tumango. “Ikaw ang may ideya niyan tas’ ako pa yung gagawa?” Ngumuso siya. “Hay naku, ate! Ewan ko na talaga sa’yo ah! Ikaw mag-yaya kay mama. Hmph!” Tatayo na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko para maupo ako.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Where stories live. Discover now