Chapter 9~

7.4K 108 4
                                    

Isang linggo na ang makalipas sa so-called lunod incident ko. Mabuti nalang at walang kumalat na chismis at kung ano sa campus. Dahil kung meron man, una makakarating ito sa school administrator at pangalawa ipapatawag si mama at lastly pangatlo, isang buong gabi na naman na sermon ang papakinggan ko. Kaya medyo happy na rin ako na walang kumalat na chismis.

     Nasa balcony kami, as usual kasama ko si Chase. Huwebes ngayon kaya mukhang bukas na kami talaga tutuloy sa photoshoot namin. Siyempre, binalaan niya muna ako na huwag na huwag na raw akong pupunta sa tabi ng falls. Which I find very cute kasi mukhang concerned din siya sa akin. Napasarap na sana ako sa kuwentuhan namin ng biglang dumating si Will. 

"Mag-usap nga tayo." Seryoso ang boses niya.

"Ummm... Ano k-kasi... Pwede ba mamaya nalang yan Will? May—"

He grabbed my wrist at pinilit akong tumayo, "Will!" I hissed at binitiwan naman niya ang pulso ko. Sinimangutan ko siya ngunit umiwas naman siya ng tingin.

     Narinig kong tumayo si Chase kaya napatingin ako sa kanya. "Dyl, mauna na ako. Tawagan mo na lang ako bukas," aniya. Kinuha niya yung backpack niya at umalis. Napatingin ako kay Will, "Ano bang problema mo?" Tanong ko. Nakita kong nakatingin na ang iba kong kaklase sa amin kaya yumuko ako. Hinawakan ako ni Will sa braso at kiladkad palabas ng balcony. Tumigil kami sa harapan ng isang bakanteng klasrum.

"Nalunod ka raw noong nakaraang linggo and you didn't even bother to tell me." Hindi ako nakatingin sa kanya.

     Sa totoo lang, natatakot ako kapag bumaba ng tono ang boses ni Will. Ibig lang sabihin nun ay galit siya. "Hindi naman big deal yun eh," mahinang sagot ko. "P*ta!" Nagulat ako ng sumigaw siya. "Hindi big deal!? Jusko, naririnig mo ba ang sarili mo? Muntik ka ng malunod Dylan. Muntik ka ng mamatay! Alam mo ba yun ha!?" Naiintindihan ko naman siya eh. Kaya lang ayaw ko lang talaga siyang nagagalit o di kaya nag-aalala ng dahil sa akin. "Ang importante naman eh buhay ako! Ito ako o. Alive and kicking! Niligtas naman ako ni Chase—"

"Si Chase? Yung gagong yun ang sumagip sa'yo?"

"Pwede ba, Will! Masyado ka ng nag-iinarte eh!"

"Wala ka palang balak na sabihin sa akin huh? Kung hindi man lang ako sinabihan ni Riley wala talaga akong alam."

     Hindi na ako nagulat ng e-mention niya ang pangalan ni Riley. Hindi ko naman siya masisisi eh, magkaibigan kaming tatlo kaya dapat walang sikre-sikreto. Ako lang ito ang lumalabag sa tuntunin namin. Tinignan ko siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at ang galit. Hindi ko namalayan napaiyak na pala ako, "S-Sorry *ik* na o..." I hiccup ng sabihin ko iyon. "Ayaw ko naman *ik* kasing mag-alala *ik* ka eh." Pinahiran ko ang mga luha ko gamit ang likuran ng kamay ko. "At alam ko naman na *ik* na magagalit ka sa akin sasabihin mo *ik* na naman na hindi ako *ik* nag-iingat."

Tumingala ako sa kanya. "Hindi ko na uulitin *ik*, Will. Kaya *ik*sorry na..." Napasinghap ako kasi parang tutulo na yung sipon ko.

     Nakangiti na ngayon si Will at bigla nalang ako niyakap. "Shhh... Oo na. Pinapatawad na kita kaya tahan na..." Niyakap ko rin siya at tumango. "Basta bukas sasama ako sa photoshoot niyo." Bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya. "H-Hindi *ik* pupwede!" Sabi ko. "Ito lang naman ang kabayaran ng hindi mo pagsabi sa akin ng totoo kaya sasama ako whether you like it or not." He pointed his finger at me. "Will! Ano ka ba? Tapos na ba *ik* yung photoshoot mo?" Nagtataka kong tanong. "Last week pa kami." Aniya.

"Hindi ka *ik* sasama!" Sigaw ko.

"Sasama ako!" Sabi niya.

Sumimangot ako and I stormed off away from him. 

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Where stories live. Discover now