Chapter TwentyTwo♥

3.1K 54 12
                                    

Chapter TwentyTwo♥


Daniel's Pov


1 New Message
From: Kirsten Lee Feliciano
----------------------------------------

   Nasa hotel ako, praktis
----------------------------------------

To: Kirsten Lee
--------------------------------

    Ano'ng Room?
--------------------------------

1 New Message
From: Kirsten Lee Feliciano
--------------------------------------------

  Rm. 08 sa 2nd floor 'yun ha.
--------------------------------------------


9.30a.m na ko nagising at pag-labas ko ng kwarto namin ni Diego, wala silang lahat. Si kirsten lang ang nag-reply kaya pupunta ko 'dun sa hotel kasama daw niya si Louisa. Medyo malaki yung room na pinag-papraktisan nila kirsten, naka-upo si Louisa 'don sa kama at may hawak na papel, si Felix nag-gigitara habang kumakanta si kirsten


"ang galing niya kumanta 'no?" nandito rin si kath


"San bantay mo?" tanong ko sa kanya


"kasama si Julia at Dieg's at si Manang pupunta ata sila ng bayan" sagot sakin ni kath "kumaen ka 'o. kagigising mo lang diba? gigisingin ka sana nila kaso ang himbing daw ng tulog mo" may nilapag si kath sa harapan ko na sandwich at milk


"kanina pa kayo dito?" tanong ko, inislice ko sa dalawa yung sandwich kaya naging dalawang triangle.


"Mag 8.am" sagot niya sakin.

"ano'ng meron?" tanong ko patungkol sa ginagawa nila

"para daw sa friday night" di na ko nagtanong ulit kahit gusto ko itanong kung ano yung friday night, ano meron 'don, at kung anu-ano. kay felix ko na lang itatanong. kumaen na ko. Pagkatapos nung pinapraktis na kanta ni kirsten, si kirsten naman ang pumalit sa pwesto ni Pj at si Louisa naman ang nag-praktis


"Daniel may sasabihin ako sayo" si Felix habang naglalakad papalapit sakin, kapag ganyan ang sinasabi niya alam ko ng may hihingiing pabor 'tong si Felix sakin


"Paki-puntahan mo naman 'to, diyan lang yan sa baba" may inabot siya sakin, isang papel.


'JustlovedSuperman Flower Shop'

"Ano gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya habang binabasa yung naka-sulat sa papel, listahan ng mga bulaklak.

"kailangan kasi yan mamaya, please paki-papuntahan naman at paki-sabi i-deliver sa beach house baka makalimutan ko puntahan tatawag pa ko kay mommy sa singapore kasi"

"tsaka pala paki-puntahan naman 'to malapit sa kinainan natin kahapon" may inabot na naman siyang papel sakin "Thanks ulit"


"sige" kahit ayoko. la naman ako choice -.-



'Sweetbei's sweet shop'


"tara kath samahan mo ko"

"ha? teka? saan? ayoko" kahit naman mag-reklamo pa siya wala na rin naman siyang magagawa kasi naka-wheel chair siya, kahit mag-sisisigaw pa siya wala namang tutulong sa kanya unless makakasalubong namin si Tiffany.

"may utang ka sakin ha" sabi ko sa kanya habang palabas na kami ng hotel

"Ano'ng utang?" tanong niya

No Regrets2♥ Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon