Chapter Seventeen♥ A,B,C or D

3K 58 17
                                    

Chapter Seventeen♥ A,B,C or D

Daniel's Pov

"Kath" pagkasabi ko ay umupo ako sa harapan niya (yung upo na naka-support yung legs mo sa hita mo tas hindi totally naka-apak yung paa mo sa ground/semento/lupa.basta ganun)

"andito na ko" tas dahan-dahan ko inalis yung kamay niya na nakatakip sa mukha niya. Di naman siya umiiyak, siguro nasisilaw lang siya sa sinag ng araw or ayaw niya makita yung palaka.

*PAK*

*PAK*

*PAK*

*PAK*

at nagsisisi ako kung bakit ko pa inalis yung kamay niya na nakatakip sa mukha niya

"Aray ko kath tama na! binalikan naman na kita a" sabi ko habang sinasangga gamit yung kamay ko sa mga panghahampas niya sakin. Infairness ang galing niya mang hampas, napakasakit!

"Ba't mo ko iniwan Daniel ha?!" sigaw niya sakin habang pinaghahampas ako!

"Kath ang sakit ha! ang sakit sakit mo'ng mang hampas!" reklamo ko kaso hindi pa rin siya tumitigil

"Kath ano ba masakit ha!" sabi ko sa kanya "Gotcha!" hinigpitan ko pagkakahawak ko sa kamay niya para di na makapanakit pa.

"Ba't ka ba nanghahampas?!" tanong ko sa kanya

"Bitawan mo nga kamay ko!" utos niya sakin

"Ano ka sinuswerte? sakit mo kaya mang hampas!" sabi ko sa kanya

"Bitawan mo sabi kamay ko eh!"

"Ba't ka ba nagagalit ha kath? binalikan na nga kita eh" sabi ko sa kanya.

"Oo nga binalikan mo nga ko pero di mo na mababago na iniwan mo ko!!" sigaw niya habang pinaghahampas pa rin ako "sabi ko sayo wag mo ko iwan! sabi ko sayo diba------"

Di kita iniwan kath

"Kath hindi kita iniwan!" napatigil siya nung sumigaw ako "ikaw ang ----" napatigil ako sa sasabihin ko ng may makita akong namumuong luha sa mata niya na, huminga ako ng malalim

"ikaw ang may gusto nito kath" kalmado na yung boses ko at seryoso "kahit kailan di kita iniwan"

nanlaki bigla mata ko sa nasabi ko sa kanya.

ang bobo mo Daniel!

napaluwag yung pagkakahawak ko sa kamay niya kaya

"Oo nga ako nga may gusto nito" mataray na pagkakasabi niya sabay iwas ng tingin "pero sabi ko sayo wag mo ko iwan dito pero iniwan mo pa rin ako sa ---------"

"nung sinabi ko sayo na wag mo ko iwan kasi mahal na mahal kita iniwan mo pa rin ako ah" mahinang sabi ko. mahina lang pero enough na yun para marinig niya at di ako nagkamali, tumingin ulit siya sakin at kasabay non ang pag-tulo ng mga luha galing sa mata niya

ngumiti ako sa kanya.

Pilit na ngiti

"ang galing ba ng drama ko? HA HA HA" tumawa ako ng pilit "narinig ko yun sa pinanonood nila Louisa nung nakaraan e" pinunasan ko yung luha niya "pwede na ba ko mag-artista?" sabay taas baba ng dalawang kilay ko, pang-aasar ba.

pero di siya umimik nakatingin lang siya

"Tara na mainit dito" binuhat ko na siya. yung buhat na parang nagbubuhat lang ng isang sakong bigas

"San tayo pupunta?" mahinang pagkakasabi niya na tama lang para marinig ko

"ililibre mo ko!" sabi ko habang naglalakad na papunta sa kotse, medyo malapit na lang kasi yung kotse, diba ng nilipat ko.

kaso napahinto ako at napalingon dun sa sumigaw

"Hoy Daniel san mo dadalhin si kath?!" sigaw ni tiffany na nakatayo dun malapit sa wheelchair ni kath

"Secret!" sigaw ko sabay wink sa kanya at naglakad na ulit papunta sa kotse.

~

"sagutin mo na kaya yan? sino ba yan?" saglit ako tumingin kay kath, tiningnan ko yung screen ng phone ko

Calling Tiffany.....

"yung paranoid mo'ng kapatid" sabi ko sa kanya sabay bato ng phone ko sa back seat. wala pa kaming sampung minutong nawawala ni kath, ilang beses ng tumatawag si Tiffany. kung ilang beses? maraming beses!

nagpagas lang naman kami ni kath eh.

"akala ko ba magpapalibre ka sakin ba't babalik na tayo sa coffee shop? diyan ka na lang ba magpapalibre?" kanina nung papunta kami sa gasolinahan halos kainin kami ng katahimikan e. tas ngayon dumadal na naman

"next time na lang" matipid kong sagot ko sa kanya, tumingin ako sa kanya saglit at ngumiti at nag-focus na ulit ako sa road. di na rin naman siya nag-salita ulit.

di ko maiwasan wag mapatingin kay kath, ba't siya umiyak sa sinabi ko kanina?

kanina ko pa iniisip yung dahilan, ang dami na nga'ng dahilan ang naisip ko e. pero apat lang ang pinagpipilian ako

A.kung nasaktan ba siya sa sinabi ko?

ba't naman siya masasaktan?

B.baka nakukunsensya sa ginawa niya'ng pang-iiwan sakin?

ba't naman siya makukunsensya?

C. baka kasi mahal pa niya ko?

mahal mo pa kaya ako kath?

o

baka kaya siya napa-iyak sa sinabi ko eh dahil

D. Napanood din niya yung napanood nila Louisa?

~~~~

Miii Loves,

pahingi ng COMMMMMEEEEEEEENNNNNTSSSS ♥ Thankkksss :*

nabasa niyo ba yung spoiler? Hihihihi :D

Ano sagot niyo sa tanong ni Daniel sa isip niya? HAHAHA

mag-a-update ako ng madaling araw later ~kapag kaya ko pa :D

No Regrets2♥ Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon