Chapter twelve♥ familiar voice

3.6K 73 12
                                    

Chapter twelve♥ familiar voice


"Mommy ano namang kalokohan 'to?" agad na tanong ni daniel sa mommy niya nung makita ito.

"oh anak andito ka na pala bakit hindi ko alam na nandito ka na agad?" tanong sa kanya ng mommy niya sabay halik sa pisngi nito

"ikaw nga di ko alam na umuwi ka na dito sa pilipinas eh" inis na sagot ni daniel sa mommy niya. walang galang na anak. bigla kasi tumawag ang mommy niya sa kanya at pinapapunta siya sa mall at kagagaling lang niya fresh from zambales. ilang araw pa sila nag-stay dun sa zambales at may balak pa sana sila tiffany na gawing one week na kaso tumawag nga si mommy ni daniel.

minsan lang umuuwi ng pilipinas ang mommy niya, kapag may importanteng aasikasuhin lang at kapag sinabing 'minsan' minsan sa isang taon lang. kaya nga naiwan ang pamamalakad ng coffee shop sa kamay ni daniel at hinabilin kay tiffany ng mommy ni kath na tulungan si daniel since hindi pa naman sila makakabalik ng pilipinas, and that was four years ago at hanggang ngayon yung salitang 'hini pa naman' ay nanatiling 'hindi pa rin sila nakakabalik at mukhang wala ng balak bumalik'

"eh siyempre maganda ako eh, ikaw nga gwapo eh. So what can you say about this place? perfect para sa coffee shop diba?" sinisimulan na kasi ang renovation para sa bagong branch ng coffee shop at this time sa mall sila maglalagay ng isang bagong branch.

"alam ba ni tita Bianca 'to?" tanong ni daniel habang nakapamewang pa

"matagal na namin plano 'to! actually last year pa, kaso nasa singapore pa kasi sila. sa skype nga lang kami nagka-usap nun last week eh" hindi naman siya pinakinggan ni daniel eh.

"eh kailan matatapos 'to? magaling ba gumawa yang mga yan?" turo ni daniel sa mga gumagawa sa loob.

"teka nak, magkalinawan lang tayo ha. yung coffee shop ang may-ari Ako at si Tita Bianca mo diba?"

"oo"

"eh bakit parang kung makapag tanong ka sakin parang ikaw may-ari?!"

"relax ka lang mommy, hina-high blood ka agad eh"

"pang-asar ka ah. wag ka mag-alala Boss Daniel sa isang araw tapos na yan at next week ang opening. nung nakaraan pa ako andito kaya pala di kita mahanap nasa Zambales ka pala iniiwanan mo yung coffee shop kung paliparin kaya kita diyang ting-ting ka?" natatawa lang sa kanya si daniel. concern lang naman siya sa coffee shop nila ng mommy ni kath tapos sinermonan na agad siya, tinawag pa siyang ting-ting. "maganda yang coffee shop dahil ang anak ng nag design ng bahay natin sa states at friend ng daddy mo ang nag-design, kaso di pa graduate yung nag-design kasi pinilit lang yun eh"

"eh di pa pala graduate bakit siya ang nag-design?"

"eh bakit ba ang daming mo tanong?!" na-inis na naman sa kanya ang mommy

"para nagtatanong lang, inis na agad siya?" sabi ni daniel nung pumasok yung mommy niya sa loob. pagka-pasok niya sa loob nagulat siya na may babae pala sa loob at kausap na ito ngayon ng mommy niya. kung titignan mo yung babae, parang si tiffany. kulot ang buhok pero di niya alam kung totoong kulot yung buhok kasi si tiffany nagkukulot lang yun ng buhok kapag trip nun eh. tapos parang si tiffany ulit kung makapag-suot ng high heels, high heels talaga. as in high! t-teka hindi kaya si tiffany naman 'to? ~tanong ni daniel sa isip niya. pero na-isip niya na hindi kasi kasama nun sila Louisa ngayon. pero na-isip niya na may katulad rin ito. parang si ----

No Regrets2♥ Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon