PROPER TO BEKS.

2K 48 30
                                    






























Tagapagsalaysay:

Nasa opisina ngayon ni Veronica si Maia dahil pinatawag siya nito para mag-usap. Umalis na rin si Benjie dahil sa isang meeting na dadaluhin sa kanyang opisina at sabing babalik ito upang sunduin muli si Maia.

"Okay." panimula ni Veronica.

"First of all Maia, I'm really sorry. I don't really want you to leave my restaurant. Even though I just got to know you and you've been working here in just a couple of hours ago, I already like you. But I really needed to give this to my cousin. Kahit man lang kasi ito, makabawi ako sakanya." huling dagdag pa nito.

"Ano ba naman kayo ma'am Veronica, 'bat naman po kayo nagso-sorry? Ako nga po dapat magpaumanhin sainyo kasi tinanggap ko po agad yung alok nung pinsan niyong bakla." nahihiyang sagot ni Maia.

"Nooo. Its fine. Besides, you can go back here again if you feel like, my cousin can be devilish sometimes." pilit na pagli-lighten up ni Veronica sa mood.

"You're welcome to go back here anytime." binigyan naman Veronica si Maia ng matamis na ngiti at in-offer nito ng yakap. Maia responded.

"By the way, I'll give you your payment para sana sa next month." saad nitong muli ng kumalas sa yakap nila ni Maia.

Maia looked at her in shock.

"M-ma'am sure po ba kayo? Baka po malugi kayo niyan." nahihiyang sagot muli ni Maia.

"Pshh...first of all stop calling me ma'am. Just call me Ver in short, everybody calls me that."

Veronica insisted to Maia.

"Second of all you already worked here for a couple of hours, and I've seen how you really worked hard. And.. I'll give you the full payment nalang, gift ko na yun sayo." masayang saad ni Veronica muli.

Pagkasabi noon, kinuha na ni Veronica ang isang maliit na brown envelope na sa loob ay may nagkakahalagang 3,600php na pinagusapan nilang suweldo sana ni Maia sa katapusan.

Grabe naman ang pagka-overwhelm ni Maia kay Veronica. Punong-puno na ang puso ni Maia sa puntong nagiging teary eyed na siya dahil sa sobrang genuine ng kanyang naging amo.

"Salamat po. Maraming maraming salamat po. Hindi niyo po alam kung gaano po ito naging malaking tulong para saakin." binigyan muli ni Maia si Veronica ng isang napakahigpit na yakap upang magpasalamat.

"I'm happy to help, my dear." sagot naman ng huli habang nakangiti.

Nasa labas na ngayon ng resto si Maia at hinahantay ang pagsundo sakanya ng kanyang bagong amo. Ilang oras na siyang naghihintay—inip na inip na siya—ngunit wala paring dumadating.

Pagkalipas ng ilang oras ng paghahantay ni Maia sa kanyang bagong amo, dumating narin ito.

Sawakas. Bulong ni Maia sa kanyang sarili ng makitang lumabas ang isang black Dodge sa may bandang gate.

Tumayo naman si Maia at pinagpagan ang likod ng kanyang pantalo galing sa pagkakaupo sa may hagdan ng entrance ng resto.

Pagkaparada palang ng sasakyan sa harap niya, isang hakbang, pangalawa at lumabas ang isang lalaki(?)—brushed up, itim na kulay ng buhok at nakashades. Ngunit kapansin-pansin din ang kolorete sa kanyang mukha. Nakatingin lang ito kay Maia habang nanatiling naghihintay na nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan.

"Oh? Hindi ka ba sasakay?" tanong nito na nakapagpabalik kay Maia sa ulirat.

Dali-dali namang bumaba si Maia at sumakay sa passenger seat.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now