Bon Voyage

1.7K 32 5
                                    

Advance happy 5 years anniversary, sibbies!!😅💛






Tagapagsalaysay:

Malawak ang ngiting nakarehistro sa mukha ngayon ni Maia. Pumayag narin ang kanyang ina. Sawakas. Para kasi kay Maia, ito narin ang makakabuti para sa kanyang Ina. Kung maiiwasan nga lang, ayaw na rin ni Maia pagtindahin ang kanyang Ina dahil sa kanyang kalagayan.

Hindi naman nakakapagod ang pagtitinda kong ito, nak kaya wag kang magalala. Kulang pa nga ang perang malilikom mo diyan sa maynila e. Gusto ko kahit na magsahod ka, magtitira ka parin para sa'yo. Naalala niyang sagot sakanya ng kanyang Ina ng sabihin niya iyon.


Abalang nag eempake ngayon si Maia.

Habang nag eempake ito sa kanyang kuwarto, bigla namang may nagkatok sa kanyang pintuan at pumasok din.

Napahinto naman ng saglit si Maia sa pagiimpake at pinasadahan ng tingin ang batang pumasok sa loob ng kanyang silid at binigyan ng matamis na ngiti.

"Hello, ate..." mahinahong sambit ni Xyrel sa kanyang ate na nagiimpake.

Nginitian lang ni Maia ang kapatid at nagpatuloy sa ginagawang pagiimpake.

"Ate, kailang mo ba talagang umalis?" Malungkot na saad muli ni Xyrel.

"Oo, Xyrel e. Pero wag kang magalala, magvi-video call naman tayo araw-araw eh." Masigla na sagot ni Maia sa kapatid para hindi na ito malungkot.

"Pero, Xyrel may ibibilin ang ate sayo ha? Alagaan niyo si mama. Wag niyo siyang parating ipagpapagod." Bilin ni Maia kay Xyrel.

"Yes, ate! Kami na bahala kay nanay, basta magiingat ka rin doon ate. I love you so much, ate." Sagot ni Xyrel.



...

Nakahanda na ang mga maleta ni Maia at bihis na siya upang umalis. Malungkot sina Xyrel, Anning, Collen at Zia. Habang si nanay Sandy nama'y alala para sa kapakanan ng kanyang anak.

"Oh, nak, magiingat ka doon hah? Kapag nagkaproblema ka tawag ka agad," bilin ng kanyang Ina.

"Wag po kayong magalala saakin, kaya ko po ang sarili ko. Ang kailangan niyo pong alalahanin ay ang mga sarili niyo. Mahal na mahal ko po kayo inay." Sagot ni Maia sa Ina.

"Mahal na mahal ka rin namin, anak."

"Ate magiingat ka dun, hah." saad naman ni Coleen at niyakap ng mahigpit ang kanyang Ate.

Kumalas naman si Maia at binigyan ng matamis na ngiti si Coleen at pinasadahan din ng tingin si Xyrel.

"Basta. Kayo na bahala kay inay hah? Wag niyo siyang masiyadong ipagpapagod at mas lalong huwag niyo siya bibigyan ng sakit ng ulo," bilin ni Maia sa dalawa pang kapatid na sina Coleen at Zia.

"Opo ate!" Sabay na sagot naman ng dalawa.

"Rel, yung binilin ko rin sayo, hah?" Sabay tingin niya kay Xyrel.

"Don't worry ate, I got this!" Kampanteng sagot naman ni Xyrel.

"Oh siya, sige na po nay, Coleen, Zia, Xyrel. Magiingat kayo dito hah? Alagaan mabuti si inay!" Huling bilin nito sa mga kapatid.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now