My Personal Maid.

1.9K 56 14
                                    

Tagapagsalaysay:

Pagkaalis palang ni Benjie ng kanyang salamin, gulat at may halong inis agad ang naramdam ni Maia.

“A-Anong ginagawa mo dito?” hindi sinasadyang napataas ang boses ni Maia.

Tinaasan naman nito ng kilay si Maia.

“Is that how you treat your costumers here?” halata namang sadyang ipinalakas ni Benjie ang pagkakasabi noon upang marinig ng mga iba pang mga costumers.

Nainis naman lalo si Maia sa ginawa ng huli.

Bigla namang naalarma si Veronica sa narinig na 'di umano'y complain ng customer na ito. Kaya naman agad pumunta doon si Veronica upang usisain ang mga ngyayaring ganap.

“Is everything okay?—.. Benjamin?” casual ngunit napakunot noo itong bigla ng makita ang pinsan nitong si Benjie.

Nabato naman biglang ang tingin ng dalawa kay Veronica.

Kahit na napatingin si Benjie kay Veronica, binawi naman niya ito ulit at inirapan si Maia ng huli.

“Beeks!” munting napatili si Veronica sa pinsan at niyakap ng mahigpit habang nakaupo parin.

Tinanggap naman ni Benjie ang yakap galing dito.

“Nganga-boo, hindi naman ako bingi. Naririnig naman kita kahit 'di ka sumigaw.” pilosopong sagot ni Benjie sa nakaakap na pinsan.

“Beks naman kasi! Ang tagal mo ng 'di nagparamdam. Wala ka dito nung nag-open 'tong bagong resto namin ni Erwan. Hayy nako—” naputol naman bigla si Veronica ng makitang nakatayo sa kanyang likuran si Maia na may halong inis at gulat ang reaksyon.

“Beeks..” Veronica crossed her arm at tumingin ng matalim sa pinsan.

“What?”

“Sisterette, bagong empleyado ko palang yan. Can't you be a little bit nice to her? Baka nakalimutan mo, ikaw rin yung may rason kung bakit nag resign yung dating kong impleyado.” halos pabulong na sabi ni Veronica sa pinsan.

“I didn't do anything. Sinabi ko lang ang dungis niya. Yun lang.” inosenteng sagot ni Benjie.

“Yun lang? Really? Really, Benjamin? Ugh..” napahilamos nalang kanyang kamay si Veronica dahil sa pinsan.

Veronica turned to Maia with an apologetic face.

“Look, Maia. I'm really sorry sa behavior ng pinsan ko. He's just a real dick sometimes. Anyways, sige na Maia I'll take it from here. Asikasuhin mo nalang yung ibang costumers diyan, ako na bahala dito.” saad si Veronica kay Maia.

“Okay lang po. Sige po.”

Nang makasiguradong hindi na sila maririnig ni Maia ay umupo na si Veronica sa tabi ng kanyang pinsan.

“Sisteret, what was that?! Please naman. Ang hirap maghanap ng bagong employee dito. Be nice naman.”

Benjie just ignore her and rolled his eye.

“Ikaw nga sabihin mo nga saakin. Ano ba talagang ginagawa mo dito? Wala ka bang work today?” bulyaw ni Veronica kay Benjie

“Bakit? Ayaw mo ba 'kong nandito? Aba, ikaw nga 'tong parating nagyayaya saakin na pumunta dito 'tas ng may time na 'kong pumunta dito papaalisin mo na 'ko agad?”

“Hindi naman beks, pero...as I know naman kasi. You're not that type of person who will leave your work, to visit someone?”

“Huy. Huy. Huy. Ver 'di tayo talo ah!” kunwari'y nandidiri na napaigdad pa ng kaunti ang huli.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now