Chapter 5 : Truth in their eyes. (<<,) (,>>)

128 3 3
                                    

Julia's POV

Hongtoroy! May POV ako! Mehehehe! XD Back to reality, bumalik na si bestfriend galing Korea. Ewan ko ba dun kung bakit pumunta pa ng Korea eh hanggang ngayon mahal pa rin naman niya si Dj. Kahit hindi niya sabihin sakin, alam kong mahal pa rin niya. Titig pa lang ni bes kay Dj halata na eh.

Nung bagong dating pa lang si bes si Dj na nga ang kasama niyang pumunta samin. Pwede namang magpahatid siya kay Tita Min dibuh? Haha! Halata si bes eh. Nasa in-denial stage pa siya tapos si Dj nasa manhid-manhiran stage. Wahaha!

Pupunta ako kina Dj ngayon, wala lang. Pagtitripan ko lang siya. Dejoke. Tambay lang. Walang magawa sa bahay eh.

Pagdating ko sa bahay nila, as usual andito ang mga kabanda niya. Ang lalakas ng mga boses, akala mo mga chix. Haha! Wala si Tita Karla, asan kaya siya? Hm.

“Anong ginagawa mo dito Juls?” Katsumi.

“Makikipagbonding. Bawal ba?” Tanong ko.

“May sinabi ako?” Katsumi.

“May sinabi ba akong may sinabi ka?” Tanong ko ulit.

“Wala. Kulit mo!” Sabi bigla ni Kats, sira ulo 'to eh! Mas makulit pa sakin eh.

“Nagsalita ang hindi!” Sagot ko naman.

So ayun, nagkulitan lang kaming lahat. Humahanap ako ng tiyempo para makausap si Dj eh. Wala, trip ko siyang kausapin eh. Bakit ba? :P

Lumabas muna yung iba, bibili daw ng pagkain. Buti sinipag yung mga yun. Kaming dalawa lang ni Dj ang naiwan.

“Dj?” Tawag ko sa kanya.

“Hmm?” Langyang sagot.

“May itatanong sana ako.” Sabi ko.

“Nagtatanong ka na eh.” Sagot naman niya, oo nga naman. =______=

“Sabi ko nga e.” Sagot ko naman, kainis 'tong lalaking 'to! =______=

“Ano ba kasi yun?” Tanong na naman niya.

Matagal bago ako makasagot ulit, kumukuha ako ng bwelo eh. Baka suntukin ako nito pag tinanong ko. Ayokong magka black eye no!

“Hoy! Ano na?” Tanong niya.

“Atat lang? May lakad ka?” Tanong ko.

“Bubugbugin kita Julia Montes kapag hindi mo pa sinabi!” Sabi niya bigla, ow! Wag naman.

“Mahal mo pa rin si Bes Kath no?” Tanong ko, ay sawakas! Naitanong ko rin.

“ *cough* anong *cough* klaseng *cough* tanong *cough* yan *cough* Juls.” Halaa? :O

“May mali ba sa tanong ko? Oo o hindi lang naman ang sagot eh.” Sabi ko.

“Wala. Ewan ko.” Sagot niya, liar! =_____=

“Weh? Parang iba yung nakikita ko sa mga mata mo eh.” Sagot ko.

“Na ano?” Tanong naman niya.

Matagal ulit bago ako nakasagot, dati kasi sabi sakin ng mommy ko kapag may kausap ka o may tinatanong ka sa isang tao na gustong gusto mong malaman ang totoong sagot, tiningnan mo siya sa mata at doon mo malalaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

“Mahal mo pa rin siya.” Sagot ko.

O________________________________O – Dj

^_________________________________^ - Ako

“Oo na, pero hindi na kagaya ng dati eh Juls. Marami ng nagbago, lahat ng iyon pinagsisisihan ko na, alam mo yan Juls.” Sa totoo lang, sa araw araw na nagksama kami ni Dj nung umalis si bes alam kong hirap na hirap siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Will I Give up? [KathNiel Fan Fiction]Where stories live. Discover now