Chapter 2 : Friends? :)

140 2 2
                                    

Daniel's POV :

It's been 4 years since nung iwan niya ko ng walang paalam. 4 years na yung nakalipas pero bakit siya pa rin ang hinahanap-hanap ko? Bakit andito pa rin yung sakit na nararamdaman ko simula nung umalis siya? Pero mahal ko pa rin siya kahit sinaktan ko siya ng ilang ulit. Aaminin ko naging g*go ako para saktan siya, pero no choice ako eh. Aish! Akala niya siya lang yung nasaktan, akala niya intensiyon kong gawin yon. May mga bagay kasi na mahirap sabihin sa kanya baka hindi rin niya maintindihan. Ang bading! Hahaha. Tama na nga. Basta, alam ko mahal ko siya.

Ngayon nakita ko ulit siya. Ano bang meron dun sa babaeng yun? Halatang iniiwasan niya ko eh. Pwede bang wag niyang ipamukha sakin na mali ako? Masakit kasi eh. =__________= Lutang ang isip ko ngayon. Pakshet! Yung mukha niya lang nasa isip ko ngayon. Potek! Bakit naman kasi lalo siyang gumanda?! Pagkarating sa bahay dumiretso ako sa kwarto sinabi ko sa kanilang matutulog na ko. Pero ang totoo hindi nanaman ako makakatulog neto. Psh. Tapos biglang sumigaw si Kats.

“Ano ba Lester!!!! Bakit kasi hindi ka bumili?!” Asar na sabi ni Katsumi.

“Ehh bat ikaw?! Bat hindi mo sinabing bibili ka?!” Pasigaw na tanong ni Lester

“Aish! Nagtanong ka ba?!” Asar na sagot ni Katsumi.

“Hoy! Anong nangyayari dito?” Tanong ko sa kanila.

“Papi Dj si Lester oh! Inagaw yung ice cream ko! Huhuhu!” Papi?! WTF?! Ice cream!? Ano na bang oras? 9pm. Pakshet! Ayos lang ba mga'to?!

“Bakla ka ba Katsumi?! At saang lupalop mo naman nakuha ang salitang PAPI?!” Tanong ko kay Katsumi. Nababakla nanaman 'to. Aish!

“Hindi ah! Sa gwapo kong 'to. Sikret! Hahaha!” Walanjo! Eto yung dahilan kung bakit hindi ko maiwan-iwan banda ko eh. Hahaha.

“WEEEEHHHHH??? Gwapo ka Kats????” Sabat bigla ni Seth. Parang mushroom din 'to e. Susulpot na lang bigla.

“Inggit ka nanaman ba? Hayaan niyo, bigyan ko na lang kayo ng kapogian.” Sabi ni Katsumi at nakanguso. Ibig sabihin iki-kiss ka niya.

“TAKBOOOOOOOOOOOOOOO!” Sigaw ni Seth at Lester. Kaya ayun, naghabulan silang tatlo.

“Hoy! Tumigil na nga kayo. Potek! Para kayong mga bata.” Sigaw ko sa kanila. Hindi naman siya talagang sigaw tinaasan ko lang ng boses. Kaya tumigil na sila.

Araw-araw ganito at ganito lang din ginagawa ng mga 'to. Isama mo pa aking kapatid. Kung hindi lang siguro ako sanay na kasama ang mga 'to siguro baliw na ko ngayon. Hahaha. Itutulog ko na 'to, yung eyebags ko kawawa eh.

--Kinabukasn...-

“DANIEL JOHN FORD! GISING NA!” Aray! Nyemas! Ang sakit sa tenga! Si mama.

“MAAGA PA MA!” Sigaw ko rin.

“TUMAYO NA NGA KAYO! KAPAG HINDI PA KAYO TUMAYO PAPAUWIIN KO NA SI KATHRYN!” Sigaw ulit ni mama... KATHHH... Si Kath andito? Napabangon ako sa kama ng wala sa oras. Dali dali akong pumunta sa kwarto para maghilamos at bumaba na. Nakita ko siya andun siya sa may sofa.

“Aga natin ah?” Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya.

“Ah. Eh. Papasama sana ako eh. Kung okay lang?” Sagot at tanong niya. Nagpapasama siya. Nuxx. Akala ko iniiwasan ako neto eh.

“Saan ba?” Tanong ko.

“Kina Julia. Hindi niya pa alam na nandito ako eh.” Sagot naman niya. Pagkakataon nga naman.

“Tara.” Sabi ko sakanya.

“Sina Kats? Asan? Saka hindi kapa kumakain.” Tanong at sabi niya. Concerned lang?

Will I Give up? [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon