OHWR 26

24 2 0
                                    

Eiffel
Sana naman di niya marinig ang puso kong kanina pa sumisigaw, nakatingin lang siya sa'kin.

''Now tell , paano ka nagkaamnesia? Nadisgrasya ka din ba?"

Bakit sobrang komportable siya sa'kin , may something talaga eh. Umayos ako ng pagkakaupo, tumango ako.

''Ilang taon na ba ang nakalipas simula nong nadisgrasya ka at nawalan ng memories ?"

Nakakapagtaka talaga eh, siguro tama yong sinabi ni kuya kasi naman sa tuwing siya lang yong nakikita ko nagiging abnormal ang puso ko baka naman siya ang sinasabi ni kuya ko na special sa buhay ko talaga.

''Hmm mahigit tatlong taon na ang nakakalipas,''

Nagulat siya sa sinabi ko, nagulat siya baka nga siya yon.

''Ah ganoon ba ? Sige alis muna ako late na ako eh,''

Bago pa siya makaalis may sinabi muna ako sa kanya malay nating lahat siya talaga yong tinutukoy ni kuya.

''Minsan kailangan nating sundin ang pinipitik nitong puso natin, kasi mas nakaalala pa ito kesa sa utak eh.''

Tumango naman siya at umalis na hayst marami ng pagkakataon na nagkita kami tapos di ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya..

''Katangahan mo talaga Eiffel eh no,''

May amnesia ako , may amnesia din siya parehas kami ang tanong parehas din kaya kaming may hinahanap pang isang ala-ala?

James Aiken
Parehas kaming may amnesia ,parehas ding tatlong taon ang nakakalipas. Baka isa siya sa mga taong nakalimutan ko.

'Minsan kailangan nating sundin ang pinipitik nitong puso natin, kasi mas nakaalala pa ito kesa sa utak eh.'

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinasabi niya. Kung pitik ng damdamin ang susundin ko edi isa siya sa mga nakalimutan ko kasi everytime na siya ang nakikita o nakakasama ko yong puso ko diba ayaw kumalma. Paksyet naman oh kailangan ko ng mga sagot sa mga tanong ko sa utak kainis naman!

Mabilis akong naglakad papuntang kotse , imbis na pumasok ako nawalan tuloy ako ng gana. Pumasok na ako sa kotse ko at isinandal ko sa steering wheel ulo ko.

''Hay nako buhay nga naman oh , ang unfair!''

Tumulo na naman ang luha ko , kailangan ba talagang lumuha ako tae nakakabakla na kainis. Pinahiran ko ang mga luha ko. Napatingin ako sa bag ko nahulog kasi yong sulat , yong sulat bago kami naaksidente.

''Miss ko na siya!''

Kahit di ko siya naalalala namimiss ko siya bakit ba ang weird ng mga nararamdaman ko ngayon punyeta senyales na ba ito?! Kasi kung Oo hindi nakakatawa ang sakit kasi eh.

Pinaandar ko na ang kotse kailangan ko ng umuwi...

--
Ang tahimik ng bahay , buti pa ang bahay sobrang tahimik yong utak ko ang ingay puro what if what if. Tapos si puso naman panay kabog ng kabog.

''Nagsusupply yan ng dugo!''

Pero iba eh , iba talaga  kailangan kong tanungin sila Angelo baka kilala nila. Bumangon na ako at dumiretso sa kotse ko pupuntahan ko si Angelo at Franco sila lang ang may alam eh kailangan ko na talaga ng tutulong sa'kin as much as I want na ako lang mag solve ng sarili kong problema pero di ko na kaya eh. Ang dami ng nagpapop out sa utak ko mix na.

Habang nasa daan ako di ko maiwasan na mapatingin sa litrato na inilagay ko sa harapan.

"May something talaga sa'yong babae ka,"

Sabi ko, baliw na ata ako pati litrato kinakausap ko na.

''WTF!''

*Boooggsh*

''Sir are you okay ?!''

Yon lang huli kong narinig tapos everything went black...

Paris Angelo

Busy ako sa construction site ngayon. Kailangan kasi by next month tapos na to.

''Sir sir , may tumatawag po gusto po daw kayong kausapin,''

Sabi ng sekretarya ko, tinanggap ko naman ang cellphone at pinaalis na siya. Tinignan ko kung sino ang tumatawag si James pala

''Hello tol o bakit ka napatawag?''

[Sir , yong kaibigan niyo po naaksidente nabangga ho siya ng bus,dinala po siya sa Madrigal Hospital.]

Di na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na patungong kotse ko tanginis naman oh mas lalong di to makakaalala doble doble na ang nangyayari sa kanya.

Tinawagan ko na sila Franco pati ang mama ni James,

''Minsan kasi ang tangingot mo!''

Sigaw ko , imbis na bumabalik na alala niya mawawala na naman jusko naman paano na sila Eiffel pang poreber dapat sila eh. Si destiny kasi ginawa pang tragic yong love story nila.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na ako sa madrigal Hospital, bumaba na ako sa kotse  at dumiretso sa Nurse Station.

''Excuse miss, ahmm nandito ba si James Aiken Ventura? You na hit ng bus ?'' tumango siya.

''Nasa emergency pa po siya, umupo muna kayo don sir."

Umupo na ako , sana naman maging okay siya.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala parin di pa lumalabas ang doctor para sabihin sa'min kung okay lang ba si James. Kanina pa nakarating sila tita at franco kinocomfort ni Franco si tita umiiyak kasi, sino ba namang di iiyak diba. Dalawa lang kasi ang pagpipilian namin ngayon patay o buhay kainis.

Maya maya pay lumabas na ang doctor , napatayo naman kami lahat.

''Sir kumusta anak ko?''

Tinanggal niya ang kanyang mask at huminga siya ng malalim.

''Your son is in coma, malakas ang tama sa kanyang ulo, akala namin kanina okay na akala namin gigising na agad siya pero wala his pulse is okay pero ayaw gumising, nasa ICU ho siya ipagpray nalang natin na di aabot ng tatlong araw, thank you!''

Humagogol si tita , pati ako naiiyak kainis naman bakit pa kailangang mangyari to.

Pumasok na kami sa ICU at ayon nakita namin si James na nakahiga na may maraming aparato  ang nakakabit sa kanyang katawan. Umiiyak parin si tita.

''A-anak gising na please.''

Sabi ni tita habang umiiyak, alam kong may plano ang diyos sa kanya. Pero sana naman gumising na siya kababalik na niya nga lang mawawala na naman.

''Hoy tangi gising na maglalaro pa tayo diba magiging succesful ka pang engineer oy susunod ka samin ni Angelo tropa goals kaya wag ka ng matulog jan oy, tae nakakabakla na !''

Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. Gigising yan alam ko fighter yan di yan agad susuko.

''Wag kang mag alala tita gigising din yan, fighter yan eh.''

Sana nga gumising siya , sana nga di na umabot pa ng tatlong araw...

Our Hearts Will Remember [COMPLETED]Where stories live. Discover now