OHWR 20

21 3 0
                                    

James Aiken
Maaga akong nagising kasi sabi ni mama na papasok daw ako sa school para daw makapagtapos na daw talaga ako sa pagaaral.

"Saang school ba ako papasok?"

Takang tanong ko sa kanya, ipinagdrive ako ni mama kasi di ko naman matandaan ang daan papunta sa school na sinasabi niya.

''Sa Willington University nak,"

Tumango lang ako sa kanya, mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school na sinasabi ni mama, bumaba na ako, ganon din si mama. Pag baba ko sa kotse agad namang may nag hiyawan , di ko alam kung bakit ganyan sila.

"Finally you're back James , we miss you!"

Sabi nong babae na nakahawak sa banner , may pawelcome pa talaga ha pero teka ganon ba talaga ako kasikat para matandaan at gawan pa ako ng welcome party?

''Salamat,''

Ngumiti ako tapos umalis rin, ano namang gagawin ko don eh di ko naman sila kilala.

''Nak punta ka nalang sa Dean's office okay,''

Tumango ako kay mommy at kiniss ko siya sa pisngi. Naglakad na ako patungo sa dean's office mga ilang minuto pang paglalakad sa kakahanap sa dean's office ay natagpoan ko rin , pumasok na agad ako.

Nagulat siya nong nakita niya ako bumilog ang kanyang dalawang mata.

"Mr.Ventura ! Welcome back!"

Sabi niya sabay hug, ngumiti lang ako sa kanya buti pa sila naalala nila ako pero ako hindi.

''Ma'am kukunin ko lang ho sched. Ko para makapagstart na ho ako sa paghahanap ng room,''

Tumango naman siya at ibinigay niya sa'kin yong sched,

''Room 126,"

Napakunot ang noo ko saang banda ba iyon? Hayst bahala na nga.

Eiffel
Kanina pa ako paikot-ikot kakahanap sa room ko 125 kasi di ko alam kung saan,

"Saan na ba ka--ouch ! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!''

May bumangga kasi sa'kin na lalaki, pinulot niya yong mga gamit na nahulog at nagulat ako sa nakita ko.

"Sorry miss I didn't mean na banggain ka talaga pasensya na!''

Ang gwapo ng kaharap ko ,nakita ko na ba siya bakit pamilyar ang mukha niya...

''No it's okay,''

Sabi ko sabay tanggap sa mga bagay na hawak niya which is mine. Napatingin ako sa hawak niya sched. Niya tamang tama room 126 siya 125 ako edi magkatabi lang room namin.

''Sabay na tayo,''

Sabi ko sa kanya dahilan para mapakunot ang noo niya.

"Sabay na tayo kasi magkatabi lang naman classroom natin oh 125 ako 126 ka,''

Sabi ko sa kanya tumango naman siya. Habang naglalakad kami puro bulong bulongan like 'hala hanggang ngayon sila parin pala,'' like hello di ko nga to kilala eh.

Naawkwardan ako sa kanya kasi panay tingin ng tingin siya saakin.

''Krimen yang ginagawa mo boy!''

Natatawa kong sabi sa kanya, binawi naman niya yong mga titig niya sa'kin. Isa lang ang nasa isip ko ngayon pamilyar siya.

---
''Good morning everyone my name is Feli Suarez,''

Our Hearts Will Remember [COMPLETED]Where stories live. Discover now