Chapter 6

51 2 1
                                    

Kiko..

Hindi na kita mahal....

Hindi naman kita minahal e...

I never did. Never will...

*riiiinggggggggggggggggggg*

 

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

5am na pala, mag sisimba pa ko. 

Napansin ko na basang basa ako ng pawis kahit naka bukas naman ang aircon. 

Ung panaginip na yun na naman.

 

Ever since nameet ko si "Anton" sa mall nung time na un, nagsimula ding bumalik ung mga panaginip kong to. Well hindi naman kasi talaga siya panaginip. Totoong nangyari un. Ganun ako nakipag break kay Kiko. Ang boyfriend ko for two years na nag suicide three days after ko siyang hiwalayan. 

Kasalanan ko ang lahat.

Kung kinausap ko lang sana siya ng maayos nun. Kung nag explain lang sana ako kung bakit ako nakikipag break nun. Siguro..buhay pa sana siya ngayon..

Kung pwede ko lang baguhin ang nakaraan..

.

.

.

.

Francis Dean O. Sy. Yan ang buong pangalan niya o mas kilala as Kiko. Apelyido pa lang, bigatin na. Mayaman kasi ang pamilya nila at Chinese ang dad niya. At ung mga akala ko noon na sa pelikula lang tulad ng "Mano po" nangyayari, totoo pala.

Ayaw sakin ng Dad niya.

 .

.

.

Nagkakilala kami ni Kiko sa school nung highschool. 1st year pa lang kasi magkaklase na kami at aaminin ko, wala siya sa Top10 wanna-have-guy sa campus. Hindi siya mahilig sa sports, o nag eexcel sa academics. Pero hindi din siya loner. Simple lang. Ang kwento niya sakin noon, un daw kasi ang utos sakanya ng dad nya. Keep a low profile. Takot kasi sila na may gumamit o manloko kay Kiko dahil sa family background niya. Kaya kung pano kami naging close, ay dahil lamang sa simpleng aksidente.

-----------------

***flashback***

Maulan nung araw na un at naglalakad ako pababa ng stairs papunta sa gymnasium ng school. May program kasi at kailangan nandun na lahat ng estudyante kaya nagmamadali ako. Clumsy na kung clumsy pero kung tatamaan ka nga naman ng kamalasan nadulas ako mula sa last four steps pababa. Buti nalang malayo pa ung gym mula sa stairs kaya walang masyadong nakakita ng kahihiyan ko, maliban kay Kiko.

Never Call Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon