Never Call Me Yours

167 6 4
                                    

Have you ever been inlove?

Yung parang umiikot yung mundo para lang sainyong dalawa.

Ang bilis ng oras pag magkasama kayo pero ang bagal naman pag magkalayo kayo.

Ang sarap ng feeling no?

Para kang ulap na nasa langit at ang gaan-gaan ng feeling.

E nasaktan ka na ba?

Yung wagas at sagad-sagaran na parang literal na hinihila yung puso mo mula sa dibdib mo.

Alam mo man o hindi ang dahilan kung bakit ka nasaktan o nasasaktan, gusto mo pa rin siyang intindihin at tanggapin kasi, siya yun e. 

Iba kasi siya.

Nakasakit ka na ba?

Sadya man o hindi.

Anong pakiramdam?

Nakakaguilty ba o natutuwa ka pa kasi atleast, hindi ikaw yung nasaktan.

Naunahan mo lang siya.

Kung hindi pa ang sagot mo sa mga tanong na ito, ang swerte mo.

Iilan na lang kayo sa mundo na hindi pa nasasaktan or nakakasakit.

Ingat!

Pero kung oo, i know how you feel.

Hindi ka naman nag iisa e.

Magkaiba man tayo ng pangalan, edad, o kasarian, pareho lang tayo nag mahal at nasaktan..minahal at nakasakit.

San nga ba tayo nagkamali?

Sa piniling tao?

Maling panahon?

O sa maling lugar?

Kelan nga ba natin masasabing mali ang magmahal…?

============================================================

Never Call Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon