Chapter Thirty Six

588K 10.8K 1.7K
                                    

THIRTY SIX

This story is not for publishing.

"L—Levinn." Hindi agad ako nakasagot sa proporsal niya. Walang nalabas sa bibig ko at wala akong nagawa kung hindi ang titigan lang siya sa mga mata na ngayon ay naghihintay ng sagot.

"I don't know, hindi ko alam Levinn. H—Hindi pa ako handa." Kitang kita ko kung paano gumihit ang sakit sa mukha ni Levinn. How his face turned in to disappointment. Na para bang nawalan siya ng kalahati ng buhay niya sa sinabi ko. Hindi ako dapat magpadalos dalos sa mga desisyon hindi ko alam kung mag wowork pa ba ang relasyon namin o ginagawa niya lang ito dahil sa mga anak ko. Dahil sa mayroon na siyang anak sa akin at iyon lang ang ginagawa niyang rason para pakasalan ako.

"I see. Hindi na muna kita pipilitin. Marami pa namang oras para diyan." Ngumiti siya pero alam kong sa likod ng ngiting iyon ay lungkot.

"L—Levinn, I am not—"

"I know that you are not yet ready. Hindi naman kita pinipilit, ang mahalaga kasama ko ngayon ang mga anak ko." Doon ako naliwanagan. Iyon lang ang mahalaga sa kanya, ang makasama ang mga anak niya. Wala siyang binanggit na ikaw o pangalan ko, tanging mga anak lang talaga niya ang dahilan ng lahat. Bigla akong nakaramdam ng panghihina at sakit. Inaamin ko na mayroon pa siyang puwang dito sa puso ko at hindi ko pa rin siya nakalimutan hanggang ngayon.

"Papa!" Sumulpot sa likod niya sina Axcel at Aivan na pawisan na rin. Biglang lumapit sa akin si Levinn.

"Ako naman ang magpupunas sa kanila." Sabi niya sabay kuha sa akin ng bimpo at lumapit sa mga anak ko. Alam kong hindi kami magiging masaya kung sakaling pakasalan ko siya dahil hindi ako sigurado kung mahal pa niya ako o kung mahal ko pa siya. Mayroong takot na humaharang sa akin para pakasalan siya. Takot na baka masaktan lang ulit ako.

"Sabi ni mommy, huwag kayong magpapatuyo ng pawis. Kaya dapat lagi kayong may dalang bimpo." Saad ni Levinn. Tumango naman ang mga anak ko habang tuwang tuwa na pinupunasan sila ng papa nila. Nagkukulitan sila na parang sabik na sabik sa isa't isa.

"Papa, manonood ba tayo ng Slam Dunk? Kilala mo ba si Sakuragi, Papa?" Tanong ni Aivan sa ama niya habang siya naman ang pinupunasan nito.

"Kilala ko 'yun, is he the guy with a red hair?" Levinn said.

"I don't think so Papa, it looks like orange!" Masayang sagot niya sa ama.

"He's genius." Axcel said. Paborito nila iyong palabas, dahil basketball iyon.

"Alright, magbibihis muna tayo sa room n'yo okay? So we could watch Slam Dunk earlier." Binuhat ni Levin ang dalawang bata ng magkasabay. Tuwang tuwa naman sila dahil kinikiliti sila ng Papa nila sa pamamagitan ng paghalik sa kanila ng paulit ulit. Biglang humarap sa akin si Levinn pati na rin ang mga bata.

"Bibihisan ko lang sila. Alam kong ayaw mong nakikita kaming walang damit." Ngumiti siya sa akin at tsaka naglakad papasok sa kwarto ng mga bata.

I sighed.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't want to be selfish, gusto kong ibigay sa mga bata ang kaligayahan nila at alam kong si Levinn iyon. Natatakot ako na masaktang muli. Natatakot ako na baka ang mga anak ko lang ang dahilan kung bakit niya ako pakakasalan, na baka pati mga anak ko ay masaktan niya rin.

Natatakot ako na baka hindi na niya ako mahal.

"Daddy bakit hindi alam ni Sakuragi yung free throw?" Narinig kong tanong ni Aivan sa Papa niya. Kakatapos ko lang magluto ngayon ng tanghalian at sinilip ko muna sila. Maaga pa naman bago mananghalian pero wala akong magawa kaya nagluto agad ako.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon