Chapter Twenty Nine

504K 10.6K 1K
                                    

TWENTY NINE

This story is not for publishing.

"Sino ka?"

Mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na matagal ko nang hindi naririnig. His voice sends shiver up and down to my spine. It has still a great effect on me until now. It's very cold and very authoritive.

"S-Sino ka? B-Bakit ka nakapasok dito sa bahay ko?" I could feel the hardness of my breathings. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. It's been nine years, and it's not a joke. Matagal ang panahon na 'yon, matagal ko siyang hindi nakita at matagal ko siyang hindi nakausap. Wala akong balita sa kanya sa loob ng siyam na taon. Dahan dahan akong humarap sa kanya and everything stop as I laid my eyes on him. Everything seems new, na para bang nasa harap ako ngayon ng taong gusto ko at hindi ko maamin ang nararamdaman ko para sa kanya. His face, his body, his voice, sa loob ng siyam na taon ay nakita ko na ulit siya. Nararamdaman ko na nag papalpitate ang puso ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

"B-Bakit kamukha mo yung a-asawa ko?" Hindi ako nakagalaw ng lumapit siya sa akin, hanggang sa ilang pulgada na lang pagitan namin sa isa't isa. I could feel the heat of his breath in my face. Amoy alak iyon at napakainit ng hininga niya na nagpainit sa pakiramdam ko. He suddenly touch my face at parang may kuryente akong naramdaman ng hawakan niya ang mukha ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang titigan siya sa mata. Napakalapit namin sa isa't isa at nararamdaman ko na napakabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon at sa kanya ko na lang ulit ito naramdaman ang ganito sa loob ng napakahabang taon. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya, ang pagwawala ng isip ko kapag nariyan siya. Ang kaba sa dibdib ko tuwing magsasalita siya. Lahat bumalik, lahat ng iyon ay parang nagising sa katauhan ko ng lumapit siya at hawakan ako.

"Y-You really look like my wife." When he said those words, I felt my heart stopped. He slowly caressed my face and he smiled. I froze, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I was stunned when he suddenly hugged me. I could feel the heatness of his naked body, I could feel the beatings of his heart and I could feel him again, hugging me. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, na para bang ayaw akong pakawalan, ayaw akong mawala at ayaw akong kunin ng iba. Na parang gusto akong protektahan sa lahat ng taong maaaring manakit sa akin, sa mga taon gustong sumira sa akin. I feel so safe, I feel so loved.

"I hope, I'm not dreaming...I wish I am hugging mya wife for real." Naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko. He is crying in my shoulder because of one thing, pain.

"Can you hug me too? Para maramdaman ko yung asawa ko. Yung mahal kong asawa." Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Bakit ganito ang nadatnan ko? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko masaya na siya sa pamilya niya? Bakit nasasaktan siya ngayon? Bakit pati ako nasasaktan sa nakikita ko? Nasaan ang pamilya niya? Ang anak niya? Si Ate Chelsea? All of those thoughts, lahat ng iyon ay mali ba? Kabaligtaran ba ng akala ko ang lahat?

Hindi ko alam pero dahang dahan kong niyakap siya, I don't have any idea kung bakit ako nasasaktan sa lagay niya ngayon. Nagpakalayo layo siya para saan? Para ba takasan ang pamilya niya? Para ba takasan ang lahat? O dahil ba nasasaktan siya ng sobra kaya lumayo siya? Marami akong tanong na gustong masagot. Marami akong tanong na walang ibang makakasagot kung hindi siya.

I put my arms around his neck ang hug him too. Kahit sana sa ganitong paraan lang, maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya. Mali na naman ba ako ng desisyon at may tao na naman akong nasaktan? Hindi ko alam, wala akong alam sa nangyayari sa kanya. Wala akong naging balita, nagpakalayo layo ako, nagtago ako. Ginawa ko lahat para hindi niya ako mahanap, dahil ayoko ng masaktan pa. Ayoko na ulit masaktan, pero hindi ko naisip na hindi lang pala ako ang pwedeng masaktan. Siya rin pala, mas nasasaktan pala siya sa ginawa ko. Mas malala pa ata ang ginawa ko dahil pinagkaitan ko siyang maging ama ng mga anak ko. Pero para saan pa? May pamilya na siya. May anak na siya at kasama na niya si Ate Chelsea. Pero nasaan sila? Nasaan ang anak niya?

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon