Chapter Five

591K 12.6K 1.2K
                                    

FIVE

This story is not for publishing.

"Hmmm.." I gently poked his cheeks. Ayaw pa rin kasing gumising ni Levinn at kanina pa siya mahimbing na natutulog. Halos sampung oras na siyang tulog dahil pagod na pagod ata siya kahapon dahil paspasan na nag pagpapractice nila para sa tournament na gaganapin sa school. Hindi na kasi siya umuwi at dumiretso na siya sa apartment ko dahil sa sobrang pagod. 

"Gising na." Marahan kong sinundot-sundot ang pisngi niya. Napansin ko rin ang pagtubo ng bigote at balbas niya at bigla ay napangiti ako dahil ako lagi ang nagaahit ng mga buhok niya sa mukha. Bagay naman sa kanya ang magkabalbas dahil mestizo siya. Kumunot ang noo niya, kahit nakapikit siya bagay na bagay iyon sa kanya. Ang guwapo guwapo niya kapag seryoso pero guwapo rin naman siya kapag nagkukulit.

"Mamaya na." Sabi niya na parang bata at tsaka ibinaon ang mukha sa unan.

"H'wag kang makulit, Montemayor. Kakain na tayo kaya bumangon ka na diyan. Hindi ka ba nagugutom at ang tagal mo ng tulog." Sabi ko.

"I don't want." Sagot naman niya. 

"Okay, mag-isa na lang akong kakain." Patampo kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang bumangon at tumitig sa akin.

 "Gising na! Binibiro ka lang naman, masyado kang matampuhin." Sabi niya sabay hikab. Magsasalita pa sana ako nang bigla naman niya akong halikan at mabilis na tumakbo papalayo sa akin.

"Levinn!" Narinig ko ang tawa niya, kaya napangiti ako. Ang kulit talaga. Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko siyang nakaupo na at nakangiti nang nakakaloko.

"Magbihis ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Nasasanay kasi siyang walang saplot sa katawan at kahit papaano ay naiilang ako dahil aminado akong may maipagmamalaki siya lalo na't maganda ang katawan niya dala ng pagiging active niya sa sports.

"Bakit ba? Wala namang problema sa katawan ko ah?" Sabi niya at tsaka nag-flex sa harapan ko. Umirap naman ako sa hangin.

"Naaalibadbaran ako sa nakikita ko, magbihis ka sa kwarto bilis!" Utos ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumayo at sundin ang sinabi ko.

"Hindi naman maakit ang babaeng 'to." Narinig ko pang bulong niya sa sarili niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik din siya na may suot ng sando.

"Sabi ni Mommy, dalawin mo raw siya this coming weekend." Aniya at tsaka nagsimulang kumain.

"Talaga? Sige, magluluto ako para sa mom mo. I miss Tita." Sagot ko.

"Ako, hindi mo man lang ba namiss?" Ngumisi siya.

"Manahimik ka diyan at kumain ka na. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo tapos itatanong mo pa kung na-mimiss kita." Ngumuso siya sa sinabi ko.

"H'wag kang ngumuso diyan at hindi bagay sa'yo, feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo kapag nakasimangot ka."

"Talaga naman, tapos nga madaya ka pa." 

"Bakit naman, aber?" Tanong ko.

"Chansing ka kanina, hinahawakan mo yung tiyan ko ramdam ko." Namula naman ako. Actually, naakit lang ako hawakan kasi ang tigas tigas ng tiyan niya. May ilang modelling offers nga siya na tinanggihan niya dahil hindi naman daw bagay sa kanya ang ganoon. Kung alam niya lang, sisikat siya at magkakaroon siya ng oppurtunity na makita sa T.V pero sadya atang ipinanganak ng arte ang lalaking 'to.

"Ano naman ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang sakit kaya sa puson!" 

"Oh? Lakad doon  kasa banyo!" Sabay tawa ko. Ang sarap talaga asarin ng lalaking 'to! Ang cute!

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon