Invisible - 9

7.5K 108 5
                                    

Chapter 9

DJ's POV:

Alam nyo ba spelling ng salitang selos? D-J. Oo na. Nagseselos na ako kay Albie at Zharm. Alam nyo kung bakit? Malamang hindi. Haha. Ganito kasi yan:

*FLASHBACK*

"Babe, tara punta na tayong canteen." Sabi ko kay Zharm. Lunch na kasi.

"Wait lang, babe. May gagawin lang ako." Sagot nya.

"Ano ba yung gagawin mo? Tara, samahan na kita." Sabi ko.

"Hindi, wag na! Ako na lang. Baka nagugutom ka na eh. Una ka na sa canteen, susunod na lang ako. Ha? Love you babe!" Sabi ni Zharm sabay kiss sa pisngi ko. Pwede naman akong kiligin kahit lalake ako diba?

"Sige.. Love you too." Sabi ko. Sya naman, ngumiti lang tapos umalis na. Ako naman...

Sinundan sya. Kala nyo pumunta na akong canteen no? Haha. Sinundan ko si Zharm para malaman kung anong gagawin nya. Nagmumukha nga akong timang dito eh. Parang spy lang. Hahaha.

Nakita ko si Zharm kasama si... Albie? Nerd yan eh. Walang pumapansin dyan. Pero syempre dahil mabait ako, pinapansin ko yan. Kaso once in a blue moon lang ata? Di din kasi kami magkaklase. Section II si Albie eh. [A/N: Kahit po matalino ka, pwede kang mapunta sa section III or section II. Random kasi ung school nila. Yun lang. Hihi.] Pero teka. Ba't nya kasama si Albie?! Sa pagkakaalam ko, oo may past sila pero... simula nung nagbreak sila hindi na yan nagpansinan.

Nakita ko na lang na pinapalo ni Zharm si Albie habang si Albie naman, tumatawa lang. Kaya pumunta na lang ako ng canteen.

*END OF FLASHBACK*

Nakaka 1 week pa lang kami ni Zharm nyan ah. Oo nga pala, pangalawang beses na nyang nakikipagkita kay Albie. Nung una, nung date namin nung Sabado.

*FLASHBACK* (Ulit. :p)

Nasa mall kami ni Zharm ngayon. May date nga kasi kami diba? Haha.

"Tara, nood tayong sine!" Sabi ni Zharm

"Sige ba. Anong gusto mong panoorin?" HHWW nga pala kami papuntang movietime.

"Uhm... Hunger Games na lang!" Sabi ni Zharm. Tapos yun. Pinanood na namin yung Hunger Games. Pero syempre, bumili muna kami ng popcorn tsaka coke. Haha. Pagkatapos namin manood, kumain kami sa KFC. Pagkatapos namin kumain, naglibot muna kami sa mall. Window shopping daw sabi ni Zharm.

"Zharm?! Zharm!!" May narinig akong tumawag kay Zharm. Syempre nilingon nya. Tinawag sya eh.

"Oh my gosh, Albie!" Sabi ni Zharm sabay takbo papunta kay Albie. Zharm, andito yung boyfriend mo oh?

Syempre, lumapit din ako. No choice eh. Alangan namang tumayo lang ako na parang ewan.

"Aba, gumagwapo ka ata ngayon ah? Hahahaha!" Sabi ni Zharm kay Albie. Tss. Mas gwapo pa ako dyan eh.

"Weh? Hahahaha! Wala ka paring pinagbago, Ms. Beautiful. Hahaha!" Ano daw?! Ms. Beautiful?! Ano nanamang pakulo yan??

"Heh! Anong walang pinagbago?! Ikaw kaya, yun! Nerd." Sabi ni Zharm sabay behlat kay Albie.

"Eh anong sabi mo kanina? Gumagwapo ako diba? Edi nagbabago na din yun! Hahaha!" Albie.

"ATA lang. ATA. Hahahaha!" Ok. Nageenjoy nanaman ata sila dyan. Baka nakakaistorbo pa ako. Makaalis na lang.

"Babe. Alis na ako ah" Sabi ko kay Zharm.

"Oh pre! Andyan ka pala!" Sabi ni Albie sakin sabay ngiti. Putcha masasapak ko to pag ako nainis.

"Sige. Ingat ka ha? Byee! Love you!" Sabi ni Zharm. Pasalamat yang Albie na yan, nasabihan ako ng Love you ni Zharm. Kung hindi, nasuntok ko na yan. Nakakabanas mukha eh. Haha.

"Sige. Love you too." Sabi ko sabay alis. Bahala sila dun. Nageenjoy sila eh. Tsaka tignan mo. Hindi man lang ako pinigilan ni Zharm. Galing lang. Makauwi na nga lang.

Pagkauwi ko, nagbihis muna ako tapos tingnan ko ung cellphone ko. May new message. Galing kay Zharm.

------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Babe

Baaaabe! Sorry sorry sorry talaga! Promise, kaibigan ko lang si Albie, wala ng iba. Sorry talaga baaabe! I Love You! :*

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko na sinagot. Wala na akong load eh. Hahahaha. Oo, pinapatawad ko na sya. Mahal ko eh.

*END OF FLASHBACK*

At ayun nga. Kasama ko si Kath ngayon. Namiss ko na yung bestfriend kong yun eh. Haha. Kaso nag-cr lang sya. Pinapauna na ako. Teka. May napapansin ata ako ngayon. ANG HILIG NILA AKONG PAUNAHIN?! ANONG MERON??!!

FAST FORWARD

DISMISSAL

"Babe, di muna ako makakasabay sayo ah. Kami muna ni Danna sabay umuwi ngayon. Sorry!" Sabi ni Zharm. Si Danna yung bestfriend nya.

"Sige, ok lang. Bye! Love you!"

"Love you too! Bye. Danna, let's go na!" Sabi ni Zharm kay Danna sabay lakad palayo sakin.

Kanino ako ngayon sasabay? Kay Kath na nga lang.

Kath's POV:

Dismissal na at hanggang ngayon hindi pa din ako nakakaget over sa pick-up lines ni DJ kaninang lunch. Ok, sineseryoso ko masyado eh. Sorry naman.

"Kath! Naaalala mo nanaman ung nangyari sa inyo ni DJ kanina no? Hahaha! Buti na lang pala, umalis na ako dun" Sabi ni Julia. Oo, nakwento ko na sa kanya yung nangyari kaninang lunch habang naglalakad kami.

"Hahaha! Oo nga eh. Joke!" Ako

"KATH!"

________________________________________________________________________________

A/N: Paumanhin po dahil maikli yung update ko ngayon. Tinakas ko lang to eh. Haha. Soooo, may pasok na ako bukas. Corneeehh. =____= Ibig sabihin po, baka tuwing Saturday or Sunday na lang po ako makakapagupdate. Bawal na po ako mag-net tuwing weekdays eh. Tsaka sa totoo lang, nandidiri ako kapag tinatype ko ung mga Zharmiel scenes. Hahaha. =))) Sweet nung nasa side no? :"""""""""""> Hahahahajk!! =))))))

Ay wait! Happy 1k reads nga pala dito sa Invisible! :D Tsaka happy 100 votes din! Yaaaaaay! :D Yun po, thank youuuuu po ng sobra sobra abot hanggang pluto! >:D< =))

Vote and comment! Be a fan na din para masaya! :>

Invisible [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon