Invisible - 8

8.2K 111 6
                                    

A/N: Ok, ako na kinikilig sa Chicken Dance ni Gino. Hahahahahaha! Ang kyut eh! XD Tapos yung abangan. KV KV KV. *u* Dahil masaya ako, may update. :D Tsaka malapit na pala mag-1000 reads to no? :D Thank you nga din po pala sa mga nagfan! :D

_______________________________________________________________________________

Chapter 8

Kath's POV:

FAST FORWARD

Saturday na ngayon! Ang bilis lang ng araw. Haha. Naglalakad nga pala ako ngayon sa park. Walang magawa sa bahay eh. Boring nga eh. Haha. Makabili na nga lang ng kung ano. Wait. Ano ba magandang bilhin? Hmm... Cotton candy na nga lang.

Nakabili na ako ng cotton candy at naglalakad na ulit papunta sa isa sa mga benches dito sa park. Kung nagtataka kayo kung asan si DJ, andun nakikipaglandian este nakikipagdate sa girlfriend nyang si... Ano nga pala pangalan nun? Basta ang alam ko lang malapad yung noo nya. Haha joke! Si Zharm. Bitter lang ang peg ko. Kainis nga eh. Nagseselos ako nang walang dahilan. Hindi naman kasi kami ni DJ. Bestfriends lang kami eh. Tsa----

*BOOGSH*

Aray namaaaan. May nakabunggo lang kasi ako at eto, napaupo ako. Ang sakit ng pwet ko kung alam nyo lang. Tsaka yung cotton candy ko, tumalsiiiiik!! Sayang pera kooo!!

"Miss, sorry! Sorry talaga, miss! Hindi ko sinasadya" Sabi nung nakabunggo ko.

"Oo na. Pwede naman kasing itayo muna ako bago magsorry diba? Psh" Sabi ko. Ewan, galit agad ako sa nakabunggo ko. Sorry naman, PMS lang.

Tapos yun. Tinayo nya naman ako.

"Miss, sorry ulit. Di ko talaga sinasadya!"

"Oo na nga eh. Pinapatawad ka na. Paulit ulit? Unli lang pre?" Sabi ko habang nagpapagpag ng damit. Nakakainis na eh.

Pagtingala ko sa kanya... Ok. Natulala ako. Pano ba naman, isang gwapong nilalang ang nasa harap ko..

"Miss? Uy miss?" Tsaka lang ulit ako nagkamalay pagkasalita nya at winave yung kamay sa harap ko. Yung parang nagha-'hi'. Yung ganun.

"A-Ah s-sige. Una na 'ko. B-Bye" Sorry naman, masyadong gwapo eh.

"Teka lang miss!" Nilingon ko sya. "Ako nga pala si Enrique, Quen for short."

"Kathryn. Kath for short" Sabi ko tapos umalis na. Hindi naman masamang magkacrush kahit may mahal ka na diba? Landi ko.

MONDAY

Andito na ako ngayon sa school kasama si Julia. Naglalakad papuntang classroom.

"Kath! Narinig mo ba? May bago daw tayong kaklase. At balita ko, pogi daw! Haha!" Tignan nyo tong si Julia. May bf na, lumalandi pa din. Hahajk! Love na love ko yang bestfriend kong yan no! :D

"Oh? Talaga? Ano ba pangalan nun?"

"Di ko pa nga alam eh. Narinig ko lang sa mga dumadaan dyan. Hahaha! Tara, punta na tayong classroom. Baka andun na yung new student."

"Wait. Pano sya nakapasok? Eh September na ah? Ano yun, late enrollee?" Pwede pa pala yun, ngayon ko lang nalaman.

"Oo. Hindi. Siguro. Ay ewan. Haha. Basta, tara na nga!" Parang wala lang bf si Julia eh no? Haha. Tapos yun. Pumunta na kami ng classroom.

Pagdating namin sa classroom, ang ganda lang ng nakita namin ni Julia. Alam nyo kung ano?

Si Zharm at DJ naglalandian.

Invisible [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon