Invisible - 4

8.8K 131 9
                                    

[A/N: Dedicated kay Ate babymushoo (FC lang :p) kasi suuuuuuper ganda ng BME! Tsaka she is one of my favorite authors here in wattpad. :D ]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

Kath's POV:

Umuwi na ako sa bahay namin at nagdire-diretso na sa kwarto ko. Narinig ko pa nga si mama na sinigaw yung pangalan ko at sinabi na kakain na daw kami pero di ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Siguro dahil sa sinabi nya kay Zharm na:

"Haayy.. Alam mo Zharm, bestfriend ko lang naman talaga si Kath eh. Edi sana hindi na kita niligawan kung si Kath talaga yung mahal ko at hindi ikaw. Wag ka nanaman magselos. Tsaka hanggang kapatid at bestfriend na lang talaga tingin ko dun. Promise. Wag ka namang ganyan oh. Madedepress ako ng todo todo kapag umayaw ka. Please Zharm, give me one more chance."

Yun yun eh. Hanggang kapatid at bestfriend na lang tingin nya sakin. Tapos maedepress pa sya ng todo todo pag sumuko si Zharm.

Ang hirap pala ng one-sided love no? Haha. Parehas lang naman kami ni DJ eh. May mahal na iba yung mahal nya. Pero mas mahirap yung lagay nya. Haayy... Makatulog na nga lang.

NEXT DAY

Paggising ko, 11:30 na pala. Saturday naman ngayon eh kaya ok lang kahit late na ako magising. Wala naman kasi akong gagawin ngayon. Kaya makapagbasa na lang muna ng librro. Hunger Games yung binasa ko.

[A/N: Nasingit pa yung favorite book ko. Haha. PeeNiss ftw. :p ]

*TOK TOK TOK*

"Naaak? Si Daniel naghihintay sa baba" Sabi sakin ni mama. Pero teka, huh?! Anong meron ba't sya naghihintay sa baba?

"Sige po, magaayos lang ako" Sabi ko at pumunta na ng cr. May cr kasi sa loob ng kwarto ko kaya dun na lang ako nagcr. Alangan namang sa labas diba? Corny ko nanaman.

Pagkababa ko, andun nga si DJ nakaupo sa sofa at parang sobrang saya nya. Ngiting-ngiti sya eh. Hmm... Bakit kaya?

"Kath!"

"Oh?"

"Ang saya ko ngayon. Whoo!"

"Di nga halata eh" Sabi ko nang pabiro. Natawa naman sya. "Ba't ka nga ba masaya ngayon?" Tanong ko.

"Si Zharm kasi.." Anong meron kay Zharm? Pupunta na ng ibang bansa at dun magaaral? Oh baka naman sinagot na nya si DJ?! Wag naman sana yung pangalawa. Huhuhu.

"Anong meron kay Zharm?" Ako

"Kasi.."

"Kasi..?" Sus. Pasuspense pa eh. -_-

"Kasi... KATHSINAGOTNANYAAKOKANINA!!" Ha? Ano daw?

"Ha? Pwede pakilinaw?" Ako. Di ko naintindihan eh.

"Kasi..." Nagbuntong-hininga pa sya. "Whoo! Wait lang Kath ah!" Tapos nagbuntong-hininga nanaman sya. Ano ba? Kanina pa to ah.

"Eto na talaga. Whoo! Last na to" Tapos nagbuntong-hininga nanaman suya. Naiinis na ako ah. Isa pang buntong-hininga nya, masasapak ko sya ng di oras. Seryoso ako.

"Si Zharm kasi, sinagot na nya ako kanina!" Sabi ni DJ. A-Ano daw?! Sina... Sinagot na sya ni... Zharm?! Pwedeng umiyak?

"O-Oh?! T-Talaga?! C-Congrats!" Nasabi ko na lang.

Invisible [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon