Chapter Seventy Nine

1K 30 6
                                    

(Baekhyun)

Kakatapos lang ng rehearsal namin para sa upcoming performance namin sa M! Countdown at habang nasa van kami, biglang nagyaya si manager hyung na ilibre kami ng coffees.

Kaming mga EXO K lang yung nandun dahil nagpaiwan sina Luhan hyung.

"Talaga? Sige po! Dun tayo sa O'sulloc teahouse." Sabi ni Chanyeol habang naglalaro sa phone nya.

"Try natin yung nirecommend ng kaibigan ko. Masarap daw dun eh tyaka late pa nagsasara yun." Sabi ni manager habang sumangayon na lang ako.

Medyo busy si Suho hyung dun sa phone nya habang ako naman, tumingin na lang sa may bintana.

Halos yung iba sa amin, tulog na. Medyo pagod din kasi eh.

Napapaidlip na din ako nun nang huminto yung van.

"Alright! Nandito na tayo. Sino gusto mag volunteer bumili?" Sabi ni manager.

Tiningnan ko yung shop mula sa bintana. Medyo maliit lang pero maganda yung style.

Nakatitig lang ako nang nakita kong binaba ni Suho hyung yung libro na binabasa nya.

"Uhh hyung," sabi ni Suho kay manager. "Bakit dito? Pwede bang sa iba na lang?"

"Ha? Bakit naman? Nandito naman tayo eh. Tyaka mas safe pa dito kasi wala nang tao."

Halos dalawang minuto silang nagtalo habang ako naman, nanood lang. I was wondering why Suho hyung was making a big deal out of it.

Napabuntong hininga si Suho hyung at seryosong tumingin sa bintana. Halos parang nag-iba nga ang aura nya.

"Dito muna kayo ha. Ako na lang bibili h--"

"Ako na hyung." Biglang sinabi ni Suho at sinuot ang hood ng jacket nya. Natulala si manager pero in the end, binigay nya yung pera sa kanya.

Lumabas si Suho habang ako naman nagtataka sa biglaan nyang pagbabago.

Tiningnan ko sya mula sa bintana at narealize ko na ang tagal nyang buksan yung pintuan ng shop kaya mas lalo akong naguluhan.

Para kasing may mali.

Sa huli, sinuot ko din ang hood ko at lumabas sa kotse.

"Hyung," sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

Huminga nang malalim si Suho at tinitigan yung pintuan.

"Baekhyun, kahit anong mangyari, tumahimik ka lang, ha?"

"Bakit nam--"

"Tara,"

Bigla na lang nyang binuksan yung pintuan habang sumunod na lang ako.

At that exact moment nung pagtayo namin before the counter, nagulat na lang ako at dun ko narealize kung bakit ayaw ni Suho pumunta dito.

Kaso nung pumasok kami, bigla na lang syang nag-iba.

Kung magsalita sya, parang typical lang na babae ang nasa harapan nya.

Gusto kong magsalita at kitang-kita kong nagulat si Louise noona.

Ganun pa rin sya. Simpleng maganda.

Nung pumasok sya sa personnel's room, hinawakan ko braso ni Suho.

"Hyung, n-noona's here." Sinabi ko habang tinatry ko pa ring iprocess sa utak yung nangyayari. "B-bumalik sya. She came back!"

Nawala yung ngiti ni Suho nung tumingin sya sakin. "I know, Baekhyun. Ilang buwan na syang nandito."

Kinunot ko yung noo ko. "Teka, pano mo nalaman? Nagkita na ba kayo? Bakit nagulat sya?"

Impossible love life of a fan girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon