Chapter Sixteen

2.4K 36 0
                                    

Wala nga talaga si Suho.

edi ayun, sinabi namin yung mga names namin sa EXO.

EXO staff: Okay, maglilibot muna po tayo sa SM Ent. Building. Wag po kayong hihiwalay. Nagmamadali po tayo so sorry kung maiiwan kayo.

Taray naman nung isang staff na yun! Tsss.

So ayun, libot-libot kami, grabe ang laki ng SM Ent. Building! Lonely pa din ako, wala si Suho. Bakit kaya? Hindi ko makabisado yung mga rooms na pinagsasabi ng EXO at ng staffs. Wala ako sa sarili ko eh. Halos etong mga ibang lucky fans kung makapagusap sa EXO members, parang girlfriends nila. Mga feeler. haha! Ako din naman eh. Pero mas grabe sila! Tsss. Halos ako, nasa likod lang.

Maya-maya, pumunta kami dun sa room ng EXO, wow ha.

Umupo lang ako dun, tapos kung ano-ano pinagsasabi ng EXO staffs. tatlo yung EXO staffs, nakakaasar lang yung isa, ang taray eh!  Akala ko ba, yung EXO yung magttour samin, eh bakit parang halos yung Staffs yung naging tour guide?! tsss. Maya-maya, napatingin sakin si Chanyeol, lumapit sakin, syempre kinilig ako, kahit hindi si suho yun, EXO pa din si chanyeol noh! Sino bang hindi kikiligin dun?! Syempre ako, nagsmile lang ako sa kanya tapos tumabi sya sakin.

Chanyeol: Annyeong! (Hello) Ikaw lang ata ang tahimik sa limang fans ah. lonely?

Louise: Uh, no. I'm just excited.

Wow ha?! Excited, wala akong maexcuse eh!

Tapos pinaupo na yung ibang fans tapos yung EXO din. Nag-uusap kami, minsan lang ako magsalita. Naaasar ako eh! Eto namang ibang fans, tawag sa EXO, Oppa?! Mga feeler masyado. Haha! Pinakain muna kami ng snacks. Bakit ba wala si Suho!?  

Nung nagstart na ulit kami maglibot, gusto kong mag CR..

Bigla ba naman akong humiwalay sa kanila, pagbalik ko siguro, nandun pa naman sila siguro.

Tyaka gusto ko din tawagan si ate Bea.

Kaso, nasan nga ba yung CR?! Ang laki-laki naman kasi nitong building na toh!

Halos five minutes akong naghanap sa CR! Shemay naman.

 Edi ayun, nakahanap na ko, tapos tinawagan ko na din si ate Bea. Ayun, nagbbonding sila ng boyfriend nya. Edi sya na!

Nung babalik na ko, may nakita akong room, nakalagay sa door, "Girls Generation"

Woah, baka nandun sila, binuksan ko ng konti yung door, sumilip ako, WOOOOOOOOWW!

Nandun si Jessica and Yuri! Nagmmake-up? Wow. Ang ganda nila. Ang tagal kong sumilip. Maya-maya, may kumakalabit sa likod ko, hindi ko tiningnan, busy ako sumilip eh! Sabi, "Miss, are you an EXO fan?"

Sabi ko lang: Uh, opo.

Hindi ako humarap, nakasilip pa din ako. Haha!

Sabi nya ulit "Uh, hindi po dito yung EXO fans."

Sabi ko, "Uh, wait lang."

Kinakalabit pa din ako! Hay nako! Edi humarap na ko..

Pagkaharap ko...si SUHO?!!!!!!!!! Weh?!

(MULTIMEDIA: Ganyan itsura ko pagkaharap ako, nagulat ako kasi si Suho pala yung kumakalabit sakin! haha!)

Nagsmile sya. Hay nako, kilala nga sya as the smiling leader ng EXO.

Suho: Oh hey, you're the girl na nagbigay ng handkerchief ko.

Louise: Uh, yeah.

Huyyy! Anong gagawin ko! Over! Kausap ko sya ngayon! Wahh!

Tiningnan nya yung EXO FAN I.D. ko.

Suho: See, EXO fan ka nga. Why are you here? Diba dapat kasama ka ng EXO members tyaka ng ibang staffs? Naglilibot na sila ah.

Louise: Uh, nag CR kasi ako.

Suho: Nag CR ka? Eh bakit nandito ka sa tapat ng room ng Girls Generation?

Louise: Uh, napadaan lang.

Suho: *laughs* Well, nandun ata yung EXO sa may main hall. Pumunta ka na dun.

Louise: Uh..Pano ba makapunta sa main hall?

Sabi ko nga kanina, sa pagkalaki-laki ng building, wala akong natandaan!

Suho: *laughs* I think na hindi ka naglilibot, nawawala ka. Samahan na lang kita papunta dun.

Nagsmile lang ako. Buti na lang nawawala ako nang maihatid ako ni Suho!

Teka, bakit nga ba sya nandito? Akala ko wala sya?

Habang papunta kami sa main hall, tahimik lang ako.

Edi ayun na, nandun na kami, kaso wala yung fans, staffs tyaka yung EXO members?

Suho: Huh? I thought they're here. Uhm, wait lang, tatanungin ko yung guards.

Louise: Uh, osige.

Umupo lang ako sa couch ng main hall, tiningnan ko si Suho kausap yung guard.

Halos two minutes sila nag-usap tapos lumapit na ulit sakin si Suho.

Medyo parang confused yung itsura nya.

Suho: Uh, miss, nakaalis na daw sila.

Napatayo ako. Hala?! Wala na sila?!

Louise: Huh? What do you mean? Umalis na sila?

Suho nodded.

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!  

Impossible love life of a fan girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon