5. Who is he?

93.5K 1.3K 205
                                    

5. WHO IS HE?




PASILIP-SILIP si Arianna sa hallway ng ospital. Walang nagbabantay sa kanya kaya naman sakto ang timing sa pagtakas niya.

Oo, tatakas siya. Hindi dahil ayaw niyang pakasalan si Angelo, kundi dahil hindi niya gustong magpakasal kahit na kanino. Kasal na siya. Bakit niya kailangang magpakasal ulit?

Masakit ang lahat sa kanya. Ang ulo niya, katawan, pati na ang puso niya.

Tatakas siya para makalayo. Malayo sa pamilya niya. Sa mga kaibigan niya.

Malayo sa mga alaala ni TJ.

Para siyang isang secret agent sa ginagawa niya. Wala siyang heavy make-up ngayon dahil inalis na malamang ng mga nurse, o ng mommy niya, o ni Brianna, o ng isa sa mga kaibigan niya, o ni Angelo.

Nakapagbihis na siya ng damit at isinuot niya pa ang cap ng lolo niya na naiwan nito sa kwarto niya. Hindi rin siya naka-high heels dahil magiging sagabal lang 'yon sa pagtakbo. At wala siyang dinalang kahit na anong gamit na pwede siyang ma-trace ng pamilya at mga kaibigan niya. Phone, car, anything that could locate her.

Panay masid lang ang ginawa niya hanggang sa makalabas na siya ng ospital.

Hindi niya tuloy mapigilang maalala si Third. Ganitong-ganito sila noong naging epic fail na nag-ala-spy sila sa pagsunod kina Margarette at TJ.

See? Lahat nakakapagpaalala kay TJ. Lahat kay TJ ang bagsak. Lahat konektado kay TJ kaya paano niya 'to makakalimutan? Pero, okay lang. Wala naman siyang balak na kalimutan si TJ.

Saktong paglabas niya ng ospital, nakita niyang bumaba mula sa sasakyan sina Angelo at Brianna.

Shit.

May nakita siyang isang lalaking papasok ng kotse kaya by impulse, tumakbo siya papunta ro'n at dali-daling pumasok sa passenger seat. Tinted naman kasi kaya iyon na ang safest na taguan.

"Sorry. May pinagtataguan lang ako kaya—Ikaw?!" Hindi makapaniwalang napatulala siya sa nasa harapan niya.

Sa dami ba naman ng tao, ito pang demonyo? Pero mukhang nagtaka pa 'to at tinitigan muna siyang maigi. Seriously? 'Wag nitong sabihing nakalimutan na agad siya nito?

After a few seconds, parang naalala na siya nito.

"Oh, hi, slut. Missed me? So now you're stalking me?"

"Duh. Pwede ba? May pinagtataguan lang ako kaya 'wag kang assuming." Inirapan niya na lang at itinuon niya na sa labas ang pansin niya.

"Whatever, slut."

Napapikit siya nang mariin. Namumuro na sa kanya 'tong hinayupak na 'to.

Dumilat ulit siya para tignan kung nakapasok na ba sa loob sina Angelo at Brianna nang pagdilat niya... nakababa na ang bintana sa side niya.

"Shit! What the fucking hell are you doing?!" agad-agad na dumausdos siya pababa ng upuan.

"Doing them a favor," kibit-balikat na sagot nito.

"Paandarin mo na!" gigil pero pigil ang sigaw na sabi niya rito. Pero ang sira-ulo, hindi siya pinansin!

"Ah! What the fu—aah!"

"Paaandarin mo o tatapyasin ko 'yang pantalon mo para mas feel mo?" naninigkit na mga matang banta niya rito. Kinurot niya lang naman kasi 'to sa hita nang pagkadiin-diin.

[BME 2] : BE MY EVERYTHING (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon