2. Been there, done that.

110K 1.4K 193
                                    

1. BEEN THERE, DONE THAT.




"WHAT did you call her?" Angelo asked the guy through gritted teeth. His eyes narrowed and she could sense trouble. Palagi na lang, he was always there to defend her.

"What? Slut? Why? Did I make the boyfriend mad?"

"You—"

"Don't, Angelo. He's not worth it," she said the words while looking at the stranger, raised a brow and made a bitch face. Pinigilan niya rin sa braso si Angelo nang akmang lalapitan nito ang lalaki.

Nagsukatan lang sila ng lalaki ng tingin habang parehong nakataas ang tig-isang kilay nila. Hindi niya namamalayang napatagal na ang titig niya rito.

Seryoso... parang gusto na namang mangilid ng mga luha niya.

His smirk. His gaze. His eyes. Particularly, his eyes... Naaalala niya si TJ sa lalaking 'to.

Kaya naman siya na ang unang nagbawi ng tingin. 'Yun ang kanina pang pilit pumapasok sa isip niya. Ang medyo pagkakahawig nito kay TJ pero malayo. Sa unang tingin, wala. Ni hindi niya naisip na kamukha 'to ni TJ. Pero ngayong natitigan niya ang lalaki... chills ran over her whole body because the man had an uncanny resemblance to TJ.

"Let's go, Angelo," hinila niya na ang braso ni Angelo.

"Call her that again and you'll regret it," banta ni Angelo sa lalaki.

"Come on, Angelo," she said, annoyed that there went his protectiveness again when she could handle it herself.

Napasunod niya naman si Angelo pero masama pa rin ang tingin nito at ng lalaki sa isa't isa hanggang sa makatalikod na sila.

"Lord!" sigaw ng isang paparating na lalaki sa estrangherong iniwan nila ni Angelo. Pero hindi niya na narinig pa ang pinag-usapan ng mga 'to dahil pumasok na ang mga 'to sa loob ng club.

"Kilala mo ba 'yung sira-ulong 'yon?" Huminto si Angelo at seryosong tumingin sa kanya. Bakas ang galit sa boses nito.

"Hindi," tipid na sagot niya.

"Then why did he call you a slut?" galit na tanong nito.

"Maybe because he wanted to." She rolled her eyes. "Really, Gelo? I don't care."

"Lagi naman. Lagi namang you don't care! Kailan ka—"

"Enough, okay? Umuwi na lang tayo. Go get the car, I don't wanna walk," putol niya sa sinasabi ni Angelo.

Tinitigan muna siya nito nang matagal sa naniningkit nitong mga mata.

Galit, pag-aalala at pagpaparaya, nagbuntong-hininga si Angelo.

"Stay here. Wait for me," sabi nito, tsaka naglakad papunta sa parking lot para kunin ang kotse.

Wait for me?

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Sinabi na rin sa kanya ni TJ 'yun, e. Ano ngayon? Naghihintay pa rin siya sa wala.

Pinagmasdan niya ang pag-alis ni Angelo. Gusto na naman niyang maiyak pero syempre, kaya niyang pigilan 'yon.

Angelo, hindi ko siguro kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa'kin. Pero sana maintindihan mo kung bakit ayaw kong pahalagahan ka. Takot na kasi akong mabigo. Takot na akong maiwan ulit. Natatakot ako na... na madagdagan 'yung sakit.

[BME 2] : BE MY EVERYTHING (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon