4. The cruel truth.

94.4K 1.3K 279
                                    

"Look, I have a strategy. Why expect anything? If you don't expect anything, you don't get disappointed."

     --Patricia McCormick



4. THE CRUEL TRUTH.




HALOS hindi makahinga si Arianna sa narinig niya. Parang naninikip ang dibdib niya.

She knew it. Buhay si TJ... Buhay si TJ!

P-pero... pero paano? Kitang-kita niya kung paano nawalan ng buhay si TJ... Paanong...

"'Yun ang gusto mong marinig, 'di ba? Na buhay pa si TJ? Na hindi pa siya patay?"

Umangat ang paningin niya kay Brianna. Sarkastiko ang tonong ginamit nito. Nawala bigla ang pag-asam sa mukha niya at napalitan ng pagsasalubong ng mga kilay niya. Ano'ng ibig nitong sabihin?

"'Di ba? Well, ipaparinig ko sa'yo kung iyan ang gusto mo. TJ is not dead. He's not!"

Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi niya akalaing magagawang sabihin ni Brianna sa kanya 'yon.

Akala niya totoo. Akala niya may pag-asa. Kasi, pwede namang buhay si TJ, e. Na pinalabas lang lahat ng daddy nito. Na kaya hindi siya pinalapit man lang sa burol ni TJ, kasi wala naman talaga si TJ ro'n. Na kaya hindi niya nakikita si TJ ngayon, e, dahil tinatago 'to ng daddy nito, o kaya nagka-amnesia kaya hindi pa rin bumabalik sa kanya. Pwede naman 'yun, 'di ba?

Pero... kitang-kita niya kasi. Kitang-kita niya noong mawalan si TJ ng buhay.

At ngayon, heto si Brianna... Binuhay nito ang pag-asa niya, pero pinatay rin bigla.

Agad na nangilid ang mga luha niya.

"Stop..." she whispered. Pinipigilan niya ang pagtulo ng mga luha niya.

"Ano, masaya ka na? Hindi siya patay! 'Yun ang gusto mong paniwalaan, 'di ba?"

"Stop..." This time, nakikiusap na ang tono niya.

Bakit kailangan nitong ulit-uliting hindi patay si TJ, gayong isinasampal naman nito sa kanya ang katotohanang wala na si TJ?

"'Yun ang gusto mong marinig, 'di ba?! I'll tell you! TJ. IS NOT. DEAD!"

"Stop!" kasabay ng pagsigaw niya ay ang pag-uunahan ng mga luha niya. Sa tagal ng panahong napigilan niyang umiyak sa harap ng kahit sino bukod kay Angelo, ngayon lang siya nasagad nang ganito.

Galit... sakit... pagkabigo...

Kapatid niya ba 'to? Bakit ganito 'to? Bakit ang sama nito?

"No! Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumitigil dyan sa kahibangan mo! Kasi, making ka! Patay na si TJ, Arianna! Patay na siya!"

Naitakip niya na lang ang mga kamay niya sa magkabilang tenga niya. "Tama na... Tama na..." nanghihinang pakiusap niya.

"Kasi kung hindi mo siya tinaboy, hindi siya sasama sa daddy niya. Kung noong una pa lang, pinaglaban mo na siya, hinding-hindi mangyayari sa kanya 'yon. You know what? Ikaw ang may kasalanan sa nangyari sa kanya! Pinaglaban kita, Arianna! Pinaglaban ko kayo ni TJ kahit alam kong ang kompanya ang nakasalalay! Pero ano? Ano'ng ginawa mo? Isang kausap lang sa'yo ng daddy niya, tinalikuran mo na agad siya!"

[BME 2] : BE MY EVERYTHING (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon