The Chance Series II: Take A Chance On Me

2K 67 20
                                    

Short story number 2. :) Second installment of the CHANCE Series. Haha. Wala, mas nag-eenjoy ako dito. Hahaha. :D  Thanks sa magbabasa! The story's inspired by one of my favorite songs. Achuchu. Cheverlu. =)) Mas mahaba yata to kesa short story number one. Achuchu. =)) At epic fail to. Sabaw. Hahaha.  At hindi na na-proofread to, so kung may error man, pakisabi na lang sa akin para ma-edit to. :) Thanks mucho! ♥

PS. Dedicated kay erindizon. :) Hi po! I love your one shots. :D Mehehe. :") 

* * * * *

Take A Chance On Me

 Copyright © 2012 by staree. All rights reserved. 

* * * * * 

"Yvette, tumigil ka na nga sa pagiging man-hater mo! Jusme, nagbreak lang kayo ng hayop na yun, naging man-hater ka na," sabi ni Rachel sa akin. Nandito kami ngayon sa Starbucks, tambay mode lang. 

Inismiran ko siya. "Bruha ka ba? Sinong man-hater? Hindi ako man-hater."

"Weh? Hindi ka pa man-hater sa lagay na yan?" tanong naman ni Angela sa akin. 

"Hindi nga ako man-hater. Porque ba wala akong tiwala sa mga lalaki, man-hater na ako kaagad?"

"Oo!" sabay na sagot nila. Tss, talagang magbest friends nga ang dalawang to. Pareho ang takbo ng isip eh. Sila na yata ang bagong version ng Bananas in Pajamas. Si Rachel si B1 at si Angela si B2 or vice versa.

"Tumigil ka nga, Gelai. Ikaw nga dyan eh, hindi ka pa rin makamove on sa nangyari sayo nung..." 

"Nung ano? Sige, ipagpatuloy mo ang sasabihin mo, Yvette Castro," sambit ni Angela na may halong pagbabanta ang boses. Wah! Kahit na nagbibiro lang ang lokaret na to, nararamdaman ko pa rin ang dark aura na nagmumula sa kanya.

"Ito naman. Joke lang yun. Haha," sabi ko. Tumayo na ako at nag-evacuate sa tabi ni Rachel. "Rae, ang brutal talaga ng best friend mo," bulong ko sa kanya.

Natawa lang si Rae. Sanay na kasi sa ugali ni Angela. High school pa lang sila, best friends na sila. Samantalang ako, college na nila nakilala. Actually, kaklase ko si Rachel nung college dahil parehong BS Bio ang course namin. Si Rae ang nagpakilala sa akin kay Angela. And poof! We became Koko Krunch! De, joke lang. We became friends. Four years na din kaming magkakaibigan.

"Anyway highway, punta kayo sa bar namin mamaya. May bagong banda na tutugtog," sabi ko. Kinuha ko ang tinidor ni Angela at sumubo ng cake niya. Eh... naubos na kasi ang cake ko at muffin naman ang inorder ni Rachel. 

"Sure, anong pangalan ng banda?" tanong ni Rae. 

Saglit akong nag-isip. Ano nga ulit yun? Sounds like... "Ah! The Chance!" Biglang nasamid si Angela. Natawa lang ulit si Rae. Tiningnan siya ng masama ni Angela pero hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa niya. Oh-kay? Anong meron? 

"Okay ka lang, Gelai?" tanong ko sa kanya. Inabutan ko siya ng tissue. 

The Chance SeriesWhere stories live. Discover now