The Chance Series I: One More Chance

7.1K 102 53
                                    

Short story lang. :) Haha. Awooo, awooo. Thanks sa mga magbabasa. :)

PS. Dedicated sa isa sa mga paborito kong writers dito. Ang astig ng mga one shots niya. :D Kinikilig ako habang binabasa ko. Whahaha! 

* * * * *

One More Chance

Copyright © 2012 by staree. All rights reserved

* * * * * 

 

"Gelai, sumama ka sa high school reunion natin mamaya," pangungulit sa akin ng best friend ko.

"Ayoko. Busy ako," sagot ko habang busy sa pagdedesign ng gown. AB Fashion Design ang kinuha ko nung college kaya eto ako ngayon, inuubos ang oras ko sa pagdedesign.

"Gelai naman eh. Minsan lang ang reunion kaya sumama ka na."

 

 

Suminghap ako. Ang kulit talaga ng best friend ko. "Rae, busy nga ako. Kailangan ko ng matapos ang mga designs ko."

 

 

"Pwede mo pa naman gawin yan bukas eh. Sige na, please? Sumama ka na," nakapout na ngayon ang bruha. "Kung iniisip mo naman ang kahihiyan na dinanas mo five years ago, wag kang mag-alala. Nakalimutan na ng mga classmates natin yun." 

 

 

Napatigil ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko siya ng masama at nagpeace sign lang siya sa akin.

"Matagal ko ng kinalimutan yun," sabi ko.

"Oh yun naman pala eh. Kaya sumama ka na, okay? Susunduin kita dito mamayang 6 PM. Okay? At don't forget, semi-formal ang attire. Got it? Buh-bye," tumakbo na siya palabas ng condo ko. Hay naku, ang kulit talaga ng babaeng yun. 

~~~

"Wow, Gelai, ang ganda mo! Bagay sayo ang suot mo," sabi ni Rae sa akin ng buksan ko ang pinto.

"Err, thanks?" Sarili kong design ang suot ko ngayon. Cocktail dress na kulay lilac na may simpleng design.

Pinapasok ko siya at dumiretso ako sa kwarto ko para kunin ang purse ko. "Tara na, para maaga akong makauwi."

 


Lumabas na kami at ni-lock ko ang pinto. Habang nasa elevator kami, panay pa rin ang kwentuhan namin na parang ilang dekada kaming hindi nagkita. Ganito talaga kami ni Rae eh, hindi mauubusan ng kwento. Lumabas na kami ng building at dumiretso na kami sa sasakyan niya. Buti pa tong si Rae, marunong ng magmaneho. Eh ako? Err, no thanks. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa pagmamaneho. 

The Chance SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon