IT BETTER LAST

1.1K 23 20
                                    

(Seulgi's Point of View)

Iba't-iba ang paraan ang pagdating ng pag-ibig sa buhay ng tao. Pero paano mo ba talaga malalaman kung pag-ibig na ang dumapo sa iyo? Hanggang kailan ba ito mananatili? Ano ba ang tamang pag-ibig? Nababase ba ito sa kasarian o nararamdaman? Tunay na pag-ibig nga ba ang nararamdaman mo sa taong akala mo ay minamahal mo ngayon? Baka nag-aasume ka lang? Baka pinapangunahan mo lang ang tadhana? Baka masyado ka lang na nahuhumaling sa pag-ibig na ipinapakita ng ibang tao sa isa't isa at gusto mo rin itong maranasan? Ano nga ba talaga?

Hinda ba napakahirap sagutin ng mga tanong? Marahil ay marami ang magtatangkang sagutin ang mga ito ayon sa kanilang karanasan at paniniwala. Ang mga kasagutan nila ay maaaring tama o mali... depende sa katotohanan at realidad na pinaniniwalaan ng taong makakarinig ng kanilang pananaw.

Nakakatawa no? Ang isang simpleng tanong ay nagbunga ng sakit sa ulo... at kaunting kirot sa puso sakaling natamaan ka.

Sa akin, dumating ang pag-ibig pagkakataong hindi ko inaasahan. Nang panahon kasing iyon ay masyadong okupado ang aking isipan sa darating na licensure examination. Pero dumating parin siya. Dumating siya ng nakangiti at puno ng buhay. Dumating siya at nanatili sa aking buhay. At wala na akong balak na pakawalan pa siya dahil alam kong minsan lang dumating ang isang Irene Laurel-Araneta sa buhay ko.

Palagi akong napapangiti tuwing maaalala ko kung ano kami dati. Estranghero sa isa't isa. Nanggaling man sa magkaparehong paaralan ay wala kaming pakialam sa isa't isa dahil may sarili kaming mga buhay na inaatupag. Pero ngayon ay parte na kami buhay ng isa't isa. Nakatira na siya sa aking isipan at puso.

...

"Ale, kukunin ko po itong isang bundle ng sunflower," giit ko sa tindera ng bulaklak.

Kinuha niya ang tinuro kong sunflower at ibinigay ito sa akin. Kaagad naman akong kumuha ng pera at nagbayad. Nang makuha ang aking sukli ay bumalik na ako sa kotse para umuwi.

Sana magustuhan niya ang dala ko. Ilang araw ko na kasing napapansin na hindi niya ako masyadong kinakausap. Kapag tinatanong ko naman siya kung may problema ba siya ay tumatanggi naman. Sobrang naninibago lang talaga ako dahil una, masyadong open si Irene sa nararamdaman niya lalo na sa akin. Pangalawa, palagi niya akong namimiss kahit magkasama pa kami sa bahay kaya nakakanibago ang hindi niya pagtext o pagtawag sa akin sa trabaho sa nakalipas na mga araw.

Kaya umuwi ako ngayon ng maaga dahil gusto kong pag-usapan namin ang nangyayari kasi nasasaktan ako sa pagbabalewala niya sa akin.

"Hi, Love," bati ko sa kanya. Sa halip na yakap ay mapait na ngiti ang binigay niya sa akin.

"For you."

Binigay ko sa kanya ang bulaklak at nagpasalamat naman siya. Nang akma ko na siyang yakapin ay umiwas siya at inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang hawak niya. Matapos nun ay pumunta siya sa living room para umupo sa couch. Sinundan ko naman siya para kausapin.

"Rene, may problema ba tayo?"

"Wala," tipid niyang sagot. Linapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Tila hindi naman siya komportable sa ginawa ko.

"Meron."

Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot.

"Okay... There's something I've been wanting to tell you... Actually, I've been carrying this for months already."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Napakaseryoso kasi ng kanyang mukha. At miminsan mo lang siyang makikitang ganito dahil napakamasayahin niyang tao.

"A-are you pregnant?"

"What?! No!... Ano ka ba? Hindi iyon."

"Then enlighten me. Kasi hindi ko alam kung anong nangyayari sayo at kung bakit tayo nagkakaganito."

DevoidWhere stories live. Discover now