Chapter 11

21 1 0
                                    

THIS is it! This is the day of their practicum. Ito rin ang araw na malalaman niya ang sagot sa tanong niya. Bakit naman siya masasaktan? Naalala niyang muli.

Hindi na siya magtataka kung bakit maraming tao sa theatre room ng university. Pinag-combine kasi ni Mrs. Castro lahat ng estudyante nito. Sabay-sabay magpe-perform ang iba’t ibang grupo. Pero laking gulat niya nang mapuno ang theatre room.

Naghahanda na sila nina Faye at Carmina. Hindi niya alam kung magpapakita ba si Lance sa practicum nila. At dahil sa mukhang wala ata talaga tong balak sumipot, naisipan nilang siya na lang ang pumalit bilang vocalist ng grupo.

“Ano bang ginawa mo kay fafa Lance at mukhang hindi niya tayo sisiputin?” tanong sa kanya ni Faye.

“Aba, malay ko noh! Kako naman sa inyo noon, kaya namin natin nang walang tulong ng iba,” pangungumbinsi niya sa mga ito.

“Okay. Thank you. Next? Ms. De Silva and company…” tawag ni Mrs. Castro sa kanila.

“We can do it, girls. Kaya natin to,” aniya sa mga ka-grupo.

Nagsimula ng tumiklada ang mga daliri niya. Maya-maya pa ay sumabay ang drums ni Carmina.

“You’re just so good to be true

Can’t take my eyes off of you

You feel like heaven to touch

I wanna hold you so much.”

Inumpisahan na rin niyang kantahin ang verse one ng piyesa nila. Mukhang hindi maganda ang magiging kalabasan ng performance nila. Dahil parang may kulang. Hindi niya maiwasang mapailing habang kumakanta. Dahil na rin sa kaba at sa iniisip niyang hindi nagugustuhan ng tao ang musika nila.

Ngunit biglang may nag-strum na gitara. Hindi niya alam kung saan yon nagmula. Nabuhayan siya ng loob. Umaliwalas ang mukha. Pero ipinilig niya ang ulo niya sa naramdaman, ayaw niyang umasa. Ngunit ang totoo, nagdadasal ang puso niyang sana si Lance iyon.

“Pardon the way that I stare

There’s nothing else to compare

The sight of you makes me weak

There are no words left to speak.”

Lumabas ang lalaking nasa likuran ng mga tao. May nakasabit na gitara sa mga balikat nito. Aaminin niyang namula siya nang Makita kung sino iyon. Si Lance, parang gusto niyang himatayin nang makita ito.

“But if you feel what I feel

Please let me know that it’s real

You’re just too good to be true

Can’t take my eyes off of you,”

Hindi niya alam kung mapapasigaw siya sa kilig. Pilit niyang pinipigilan ang sigaw niya sa loob. Nang marinig uli ang pagsasama ng musika nila, she never thought it was possible. That her music and Lance’s music could create such a masterpiece. Is it also possible between them? She stared at him. As always, he was magnificently gorgeous with his guitar and all-black outfit. But there was something different in his eyes. He looked like tense.

Nakatitig lamang siya kay Lance na nakapako din ang tingin sa kanya. Hindi siya umiwas ng tingin. At nang matapos ang tunog, tumahimik ang buong paligid.

“Moirah Dianne De Silva, I want you to know that there could be a good music behind two different instruments.” Nakatingin ito sa kanya, at nakatingin din ang mga audience sa direksyon niya.

Lumapit pa lalo si Lance sa stage kung saan naroon siya. So now, here she is, too close with the man who hurt her, yet still love him.

“Moirah, I’m sorry,” sabi ni Lance sa mic.

Tumayo siya ng dahan dahan, “Explain yourself,”

He sighed. “I admit, I took Duke’s dare. But I swear, no one took it seriously. I thought, it was my reason why I took the chance to get closer to you. But when Vince came back, I felt threatened. I thought, I was just afraid to lose from the dare. But when Duke told me how much you love him, and Cheska said you would never give him up, that was the time I felt too much pain.”

She didn’t utter any word. She still listened to what he is saying.

“I love you, Moirah Dianne De Silva,” dagdag nito.

“Y-you do?”

“Yes. I know, it’s not right that I lied to you. But I swear in all people here that everything I did and said to you were true.”

“But why did you lie to me? Didn’t you know I was badly hurt by what you told me?” hindi niya napigilang hawakan ang dibdib niya.

Nakita niya ang guilt sa mukha nito. “I’m sorry if I hurt you. I’d been your superman yet I was the one who hurt you. But I chose to lie because I was badly hurt too when you still accepted Vince in your life. I asked myself, ano bang meron siya na wala ako at nayayakap at napapangiti ka niya nang walang ka-effort-effort.”

Natawa siya sa loob. “I didn’t choose him, Lance.”

“I-I know. Duke told me. It’s just that… I got jealous because you hugged him. Y-you never did that to me. Not once and—“

“Put down your guitar,” utos niya rito.

Sinunod naman siya nito.

“Please, wag mo namang basagin ang mukha ko gamit ng gitara ko, mahal din yan.” Sabi nito na tila natatakot.

Natawa siya sa naisip nito. Then, she tiptoed up and hugged him. May narinig siyang sumipol sa mga audience.

“Moi,” ani Lance.

“Pabo. If you want a hug, you should’ve asked me for one. You kissed me without any permission, hug pa kaya?” Bulong niya sa tainga nito at inakap pa ng sobrang higpit.

Gumanti rin ito ng akap sa kanya. “So, hindi ka na galit?”

Lumayo siya rito, at ngayon ay magkahawak na ang mga kamay nila. “Si Vince nga na sobrang sakit ang nagawa sa akin, napatawad ko. Ikaw pa kaya?”

He smiled with too much joy. “Moi… I love you,”

“I know, kakasabi mo lang kanina,” she smiled in return.

“Grabe. Wala man lang bang ‘I love you, too’ o kaya ‘I love you more’?” pabirong sabi nito sa kanya.

“Lance, love is not showed by words; love is showed by how we act with what we feel. Love is also showed in the eyes of a person, makikita mo yon, Lance. Gaya ng nakikita ko ngayon sa mga mata mo. I love you, Lance.”

Napangiti ito sa sinabi niya, bumaba ang ulo nito sa mukha niya. “Lance, not here. Madaming tao, at saka Ms. Castro is here.”

“Ay, sorry. Hehehe Di bale, sa labas na lang,” sabi nito.

“Loko-loko ka talaga kahit kelan,” malambing na hampas niya sa balikat nito.

Naghiyawan na ang mga tao sa theatre room. Bigla siyang pinamulahan. Nagpapalakpakan pa rin ang mga ito.

“That was an amazing piece, Ms. De Silva and Mr. Fortuna,” sabi ni Ms. Castro na pumapalakpak pa rin. “Pero sana, hindi niyo na lang ginawa dito ang romantic scenario niyo,”

“Sorry, ma’am. Hindi na po mauulit.” Sabi ni Lance.

“It’s okay. Congratulations, anyway.” Sabi nito. “Nakakainis kayo, iniinggit niyo ako. Feeling ko tuloy, teenager uli ako.” Bulong nito sa kanila at tumawa.

Buo nang muli ang puso ni Moirah at si Lance ang bumuo noon. Siya ang naghilom ng mga sugat at pasa na iniwan ni Vince. Laking pasasalamat niya rito dahil ito ang nagturo sa kanya kung paano magmahal muli. Kung paano magtiwalang muli. Sa ngayon, Si Lance ang isa sa mga nagiging dahilan niya upang gumising at buuin ang isang araw. Si Lance ang isa sa mga insipirasyon niya upang tupadin ang kanyang mga pangarap. At kasama ito sa mga iyon.

Collaboration of Two Different HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon