Chapter 1

76 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Annyeong! ^___^ This will be my second story and sad to say hindi ito konektado sa akin, unlike my first story. Nabuo lang po kasi sa isip ko, ewan ko nga ba! Kung hindi ako inlove saka naman ako nakakabuo ng magagandang kwento sa isip ko. HAHAHA! Nagiging hopeless romantic ako netooo! Osha! Enjoy reading this na lang ^___^

So, now here the story goes.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

TAPOS na ang klase ni Moirah kaya dumiretso na siyang umuwi. Hindi naman niya kasi ugaling magliwaliw simula ng tumuntong siya ng college. Kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan niya ay walang magawa ang mga ito. Alam naman nilang makiramdam. Dahil hanggang ngayon, todo emote pa rin ang lola sa pagiging broken hearted niya.

"Uy, Moi! Mamaya ha? Nangako ka sa akin na manunuod ka." Binubuksan na niya ang pinto ng apartment nila (Faye at Carmina) nang palabas naman si Duke sa apartment nito.

"H-ha? A-ah? E-eh?" Nag-iisip pa siya ng idadahilan dito ngunit parang na-blangko ata siya.

"Ayan ka na naman. Ano na naman ipapalusot mo sa akin? Grabe. Nung birthday ko nga di ka na pumunta, tapos ngayon uli. Nakakasama na ng loob Momoit ha." Nagsara pa ang mga bisig nito.

"Eh kasi naman Duke. You know that's not my type. Mas gusto ng tainga ko ang tunog ng piano kesa sa mga electric guitars."

"Alam ko. Kaya nga kita inimbita para ma-appreciate mo naman ang ganda ng rock music. See you!" Sabay halik sa pisngi niya at pumasok uli sa loob ng apartment nito.

Isinara na niya ang pinto ng apartment niya habang umiiling pa rin. Natural na apartment lang ang nakuha nilang magkakaibigan, sina Faye at Carmina. Kasama na rin nila si Duke, pero sa ibang apartment naman ito. Halos katabi nila ang kwarto nito. Kahit na bestfriend niya si Duke, pinili pa rin niyang makasama ang mga babaeng naging close friend niya nung high school. Malay ba niya kung may milagrong mangyari isang gabi. Natatawa na lang siya kapag naiisip niya yun. Kilala naman niya ang bestfriend niyang babaero. Pero sa kabila nito, alam pa rin niyang gumalang ng babae.

 ---I would like to advice you to play the link on the right side para naman po mapatunayan ni Moi na maganda talaga ang Bach Perlude ^___^ Enjoy!---- 

Pagkatapos niyang magbihis, kinuha niya ang keyboard sa ilalim ng kanyang kama. Dinampi niya ang mga daliri niya sa bawat daraanan nito. Naisip niya, Rock Music? Nahh. Simula bata ay minahal na niya ang Classical Music at lalo pa niyang minahal ito ng makilala niya si Vince.

"Vince, why didn't you fight for our love? for me?" Mag-isa lang siya kaya okay lang kahit na anong sabihin niya sa silid na iyon, atleast walang mag-iisip na nasisiraan na siya ng bait.

They were perfect together. There were so many things they had in common. Mang-aawit si Vince noong high school sila at siya naman ay isang piyanista. Akala niya perfect talaga sila, yun pala, yun lang ang ikina-perfect nila.

Habang nagmumuni-muni ang diwa niya, hindi niya namalayang tinitipa na ng kamay niya ang keyboard at tinutugtog ang paborito niyang musical piece, ang Bach's Prelude in C Major.

"BAKIT kasi kailangan pa nating mag-rehearse dito? Bakit hindi na lang dun sa bar?" Angal ni Duke kay Lance nang mapagbuksan sila ng pinto nito.

"Pare, hindi na magiging exciting ang tutugtugin natin sa kanila kung maririnig nila tayong nag-rerehearse dun. Baka langawin pa mamaya yung set natin." Pangungumbinsi niya rito. Ayaw pa kasi niyang tumungo sa bar dahil malamang, didikit na naman ang napaka-lastic niyang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa babae.

Collaboration of Two Different HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon